Dibdibang training ni Pacman sisimulan na – Roach

Siniguro kahapon ni four-time boxing trainer of the year Freddie Roach na sisimulan na nila ang ensayo ni Pacman umakyat man sila sa Baguio o hindi.

Sa kaniyang pagdating sa bansa kahapon, sinabi ni Roach, ngayong araw ang kanyang target na pagsisimula ng dibdibang training ni Pacman.

Kasamang dumating ni Roach ang dalawang sparring partners ni Pacman na sina Glen Tapia mula Dominican Republic at Michael Medina ng Mexico, na kapwa mas matangkad sa pound-for-pound king at nasa 154 pounds ang naturang mga boksingero.

Ayon kay Roach, nais nilang umakyat agad sa Baguio City pero sinabi ng adviser ni Pacman na si Mike Koncz na mananatili muna ng ilang araw sa Manila si Pacquiao bago magtungo sa City of Pines sa araw ng Miyerkules o Huwebes.

Ngayong linggo inaasahang susunod sa Pilipinas ang dalawa pang sparring partner ni Pacman na sina Vanes Martirosyan at ang anak ng boxing legend na si Julio Cesar Chavez Sr. na si Chavez Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply