Dingdong, Bayani nagsagutan dahil kay Marian Rivera

MARAMI DAW ang nagulat  nang harapin ni Dingdong Dantes si Bayani Agbayani sa birthday party ni Ogie Alcasid kamakailan.

Ang dahilan daw ay nagsumbong diumano  si Marian Rivera kay boyfriend actor na dinuraan siya ni Bayani sa taping ng “Show Me Da Manny” kung saan semi regular ang komedyante at maincast naman si Marian.

Kaya nang makita raw ni Dong si Bayani sa party ni Ogie ay kaagad na hinarap ng una ang komedyante na mabuti na lang naawat din kaagad.

Anyway, aming aalamin sa taping ng “Show Me Da Manny”  kung totoong nagsumbong ba si Marian kay Dingdong?  At kung totoo ba na dinuraan siya ni Bayani sa taping?

ANGELI PANGILINAN, TINARAYAN NI ANNABELLE RAMA

Sa birthday party din ni Ogie Alcasid naganap ang pagtataray daw diumano ni Annabelle Rama kay Angeli Pangilinan.

Nakarating daw kay Bisaya ang sinabi ni Angeli kay Ruffa sa phone na sinabi raw ng maybahay ni Gary Valenciano kay Ruffa na huwag masyadong hawakan ang ilong at mukha nito sa TV, parang ang dating ay nagparetoke ito ng  ilong at mukha?

May sinabi pa raw si Angeli kay Ruffa na baka maging magkamukha raw sila ni Gretchen Baretto to that effect?
— oOo —
Last Thursday sana ang last shooting day ng indie film na ginagawa ni Jacky Woo na kinunan pa sa malabunduking lugar sa Daranak Falls, Tanay.

Pero dahil sa walang tigil na pag-ulan ay hindi natapos ang dapat sanang last day shooting at kailangan bumalik ng Japan si Jacky dahil may previous commitment itong naiwanan sa kanyang bansa.

Sayang at isang araw na lang ang kailangan para matapos ang Indie films na idinirek ni Adolf na sikat na director ng mga Indie films ngayon.

Naka-tsikahan namin si Jacky nang pasyalan namin sa Tanay kamakalawa at ayon sa Japanese actor/producer nagustuhan niya ang mga Indie films kaya maraming project pa ang naka-line-up na kanyang ipo-produce.

Tsika pa ni Jacky, first love niya talaga ang filmmaking bukod sa Indie Films na naka-line-up na gagawin sa bansa ay marami rin siyang project na tinatapos sa Japan at China.

Pagbalik niya ng bansa ay kaagad na tatapusin ang indie films at take note, may dala-dala pa siyang famous international make-up artist na si Ebihara Shizuko, 33 years old, single, sexy at maganda.

Sa Tanay ay ipina-interview ni Jacky sa amin si Ms Ebihara sa pama-magitan ng interpreter nalaman namin na nahirapan siya sa paglalagay ng make-up kay Jacky dahil kailangan palabasin niyang muk-ha ng bata ang Japanese actor/producer at magmukha rin itong matanda.

Siya ang napili ni Jacky na dalhin sa Pinas para maging make-up artist dahil nagagawa nito ang lahat ng hitsurang kailangan ng Japanese actor/producer, kesehodang magastos at mataas ang falent fee ni Ms Ebihara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply