Dingdong Dantes, mas gusto ang butangera kaysa mabait?

NAKALABAS na ng ospital si Dingdong Dantes matapos ma-confine ng tatlong araw sa St. Luke’s Medical Center.

Mababa raw kasi ang platelet count ng  boyfriend ni Marian Rivera kaya kailangang magpahinga sa mga tapings.

Pero kahit nasa ospital, nakarating pa rin ang mga intriga kay Marian at hindi raw niya pwedeng paniwalaang magagawa ng kanyang girlfriend na saktan  si Bela Padilla dahil  lang sa selos.

Kilala raw niya si Marian at alam nito kung gaano niya kamahal ang dalaga kaya nunca na ma-insecure ito. Uhurmmmm!

Magkakausok ba kung walang apoy? Ang layo ng karakter ni Marian kay Karylle. Siguro, mas gusto ni Dingdong ang butangera kesa mabait.

TONI G WALANG KINALAMAN SA ROBIN-MARIEL QUARREL

NADAMAY ang pangalan ni Toni Gonzaga sa umano’y awayan ng mag-boyfriend na sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla, pero hindi raw totoo ang tsismis.

Ayon kay Toni, nagtaka siya nang magsalita ng kung anu-ano laban sa kanya ang itinuring niyang mabuting kaibigan.

Kahit daw kelan, hindi siya nagseselos kahit kanino — lalo na kay Mariel.

Sa ngayon, ayaw na raw niyang palakihin  ang isyu . Bahala na lang daw si Batman.

PAGBUBUNTIS NI YNEZ NO COMMENT SI MANGUDADATU

Hindi nag-confirm o nag-deny si Buluan vice mayor at Maguindanao Governor-elect Ismael “Toto” Mangudadatu na may kinalaman siya sa umano’y pagbubuntis ni sexy starlet na si Inez Veneracion.

Matatandaang may nakakita sa dalawa na magkasamang kumakain ng dinner sa isang restaurant sa The Fort.

Sabi ni Ynez, walang masama kung kikilalanin nila ni Mangudadatu ang isa’t isa dahil parehas naman daw silang single. Sabi naman ni governor, hindi niya mamadaliin ang panliligaw sa aktres. Gaano ba kadali ang ibig niyang sabihin? Ang tulis naman ni Gov!!!

LEA SALONGA EXCITED SA KASAL NINA OGIE AT REGINE

Excited na raw ang international singer na si Lea Salonga nang mabalitang siya ang napili ng future husband and wife na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na kumanta sa kanilang kasal.

Go raw si Lea sa pagkanta sa December 22, nakatakdang araw ng kasal ng magsyota.

Kasi nga naman, daig pa ng nasabing kasalan ang isang napakalaking all-star concert. Talagang “wedding of the year,” considering na bukod kay Lea, kakanta rin sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Janno Gibbs, Jaya, Kyla, Jay-R at kung sinu-sino pa.

At si Pres. Noynoy, hindi ninong kundi abay lamang sa asal. Naniniwala kaya silang tatandang binata ang lalaking magninong sa kasal?

Pero mukhang tatandang binata talaga si PNoy, ano po? Sino naman kayang babae ang magtitiyagang maghintay sa walang katiyakan. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply