Dingdong ‘pag nauntog, kasal kay Marian ipagpapaliban

WALA  ka talagang mapipiga kay Dingdong Dantes kapag hinihingan siya ng komento sa kontrobersya ng kanyang syotang si Marian Rivera at baguhang Bela Padilla.

Bagkus iniiba niya ang usapan, ayon sa balita ng kapwa namin manunulat. Marami tuloy ang nagsasabing nawawalan na siguro ng gana ang aktor sa ginagawang kamalditahan ng syota. Hindi naman daw ito naringgan ng salita para ipagtanggol ang kasintahan bagkus tahimik lang ito. Napakasimpleng statement lang ang binitiwan nito pagkatapos ng meeting nina Bela at Marian sa GMA execs.

Agad naming naisip na tawagan si Madam Suzette Arandela na kahit sa kanyang baraha ay makapagbigay ito ng konting linaw sa mga katanungan na ayaw tugunan ng aktor.

Ayon kay Madam Suzette, may balak pakasalan ng aktor si Marian pero hindi mangyayari sa taong ito at posibleng malayo pa sa plano nito ang pag-aasawa na siyang ikinakatakot ngayon ni Marian.

Palasawaing tao daw ang aktor at posibleng mawawalan ito ng gana sa aktres dahil sa sobrang kamalditahan nito.  Ang tanging panlaban lang daw ng aktres ay ang sobrang pagiging malambing sa aktor.

Sa planong pagdedemada ng kampo ni Bela Padilla sa aktres ay tiyak mapapalaban ng husto ito dahil palaban ang mga taong nakabangga nito.

Tungkol naman sa karamdaman ng aktor na hanggang ngayon ay wala pang doctor’s finding, ito daw ay tungkol sa kanyang tiyan o lower part body.  Hindi naman daw ito grabe, dulot lang daw ito ng sobrang paggi-gym na nagdulot ng muscle pain sa kanya. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply