Dispalinghadong vocational schools isasarado

SUPORTADO ng Kamara ang panawagan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na ipasara na ang lahat ng technical at vocational schools na pawang patapon ang mga pinagtatapos.

Sinabi nina Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara at Laguna Rep. Justin Marc Chipeco na isinusulong nila ang panawagang ito ni TESDA Director-General  Joel Villanueva.

Ayon kay Angara, chairman ng House committee on higher education, ang pagpapasara sa mga paaralang hindi nakakapagpatapos ng mga quality graduates ay dapat ipatupad sa lahat ng panahon.

“Yes the TESDA is right to do that (close substandard vocational schools) as a way of maintaining quality and not short-changing students of technical and vocational courses,” giit pa ni Angara.

Binigyang diin naman  ni Chipeco na dapat isaalang-alang ng mga paaralan ang paghihirap ng mga magulang sa pagpapa-aral ng kanilang anak.

“The TESDA head must be supported on his position to shut down vocational schools offering poor quality of education. We have to always make sure that schools are producing competitive and skilled graduates,” sinabi pa ni Chipeco. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply