DOTC inupakan ng partylist representative

SINERMUNAN ng isang Partylist Rep. ang Department of Transportation and Communication (DOTC) sa pagpayag na masunod ang Stradcom sa isang transaksyon na kasalukuyang nirerepaso pa lamang ng nabanggit na ahensya.

Sa panayam kay Alagad partylist Rep. Rodante Marcoleta, miyembro ng Commission on Appointments,  na dapat magpaliwanag muna si Chairman Lontoc ng Land Transportation Office (LTO) kung bakit sa resibo ng bagong rehistrong sasakyan ay triple  ang pinababayaran gayung ang transaksyon ay para na sa loob ng tatlong taon.

Iginiit pa ni Marcoleta na ang kwestyunableng transaksyon ay kaniyang natuklasan nang makita niya ang resibo ng bagong kotse na binili ng kanyang manugang.

” Why will you ask me to pay 3x charge. Nire-review pa raw ng legal department ng LTO then why is the Stradcom has the right to do this without the final decision of the LTO? nire-review pa pala iyan – but they are already collecting,” wika ni Marcoleta. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply