Driver na iniwan ng GF naglason

BUMUBULA pa ang bibig nang matagpuan ng magwawalis ang isang driver na uminom ng lason matapos hiwalayan ng kasintahan nito, sa Marikina,City.

Kinilala ni Sr. Supt. Romeo Magsalos, ang nagpakamatay na si Ely “Pungay” Santiago, 43 anyos, driver, ng 30 Camia st., Minahan, Brgy. Malanday, sa nabanggit na siyudad.

Naganap ang insidente dakong alas-7;15 ng umaga nang matagpuan  ni Marissa Escote, magwawalis, ang biktima sa harap ng Shoe Museum, sa Brgy.San Roque, na nakahandusay at bumubula ang bibig kaya nilapitan niya saka hinhawakan subalit wala ng buhay.

Ipinahayag naman ni Frank Legaspi, driver,  na nakita pa niya ang biktima dakong-5:00 kamakalawa ng hapon, na binigyan pa nito ng pagkain at jacket.

Bago pa natagpuan ang bangkay ay napag-alaman na nakipag-break ang kasintahan na labis na labis nitong dinamdam, at sapul noon ay hindi umuuwi ng kanilang bahay at kung saan-saan na lang nagpapalipas ng oras sa kalsada.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang bote ng Malathion at bote ng silver cleaner na posibleng ginamit sa pagpapatiwakal. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply