Dumayo ng droga, pinatay

NASAWI ang isang lalaki matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang salarin na nakaonsehan nito sa droga, sa Valenzuela City.

Dead on the spot sanhi ng saksak sa dibdib si Darwin Narciso, 30-anyos, ng Horea st., Bgy. Ugong, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw, katalo ng biktima ang suspek sa Dulong Tangke, Malinta nang biglang magbunot ng patalim ang huli at ang una.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek at iniwan ang biktima.

Sa isinagawang imbestigasyon, nakita malapit sa bangkay ng biktima ang dalawang sachet ng shabu na sinasabing pinagtalunan ng dalawa na nagging sanhi nang pamamaslang. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply