Dureza naghugas kamay sa suhulan

MAKARAANG dalawang beses na makaladkad ang pangalan sa kontrobersiyal na Maguindanao massacre case, naghugas kamay kahapon si dating presidential adviser on Mindanao affairs, Sec. Jesus Dureza, kaugnay sa naganap na suhulan umano  Maguindanao Massacre.

Iginiit ni Dureza na imposible ang alegasyon ng testigo dahil ang nabanggit na kaso ay nasa hurisdiksyon na ng Department of Justice at ng korte.

Ayon sa opisyal, hindi  patas para sa kaniya na hindi mabigyan ng pagkakataong idepensa ang sarili habang pinag-uusapan ng lahat ang testimoniya ni Lakmudin Saliao.

“I want to meet and confront this witness. Eh, masyado namang unfair sa akin na babanggitin ang pangalan ko tapos hindi ako bigyan ng pagkakataon na idepensa ang sarili ko,” galit na pahayag ng opisyal.

Una na ring hiniling ni Dureza ang pagsagawa ng isang hiwalay na imbestigasyon sa alegasyong nagkaroon ng suhulan sa ilang mga government officials para mapahina, kung hindi man tuluyang mabasura ang kaso laban sa pamilyang Ampatuan sa Maguindanao, na siyang tinuturong suspek sa karumaldumal na krimen.

Samantala, pinag-aaralan naman ng private prosecutor na si Atty. Harry Roque ang posibleng paghahain ng hiwalay na kasong administratibo laban kay dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr., dating Datu Unsay mayor Andal Jr., at dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, kapag napatunayang salapi ng gobyerno ang sinasabing ginamit umano para suhulan ang mga awtoridad.

Magugunita na ibinunyag ni  Saliao,  na bigyan ng P10 milyon si  Dureza upang mapawalang-sala ang mga ito sa kasong rebelyon na isinampa ng pamahalaan laban sa kanila kaugnay sa Maguindanao Massacre. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply