‘Ecstacy’s sa loob ng Club Binibini at ang Redemptorist church sa Baclaran, Parañaque

HABANG gumigiling at umiikot sa entablado ang mga naghuhubarang dancer sa loob ng Club Binibini diyan sa area ng Baclaran, Parañaque City ay kasabay rin dito ang pag-ikot sa loob ng nasabing club ng drogang “ecstacy” at ng iba pang uri ng illegal drugs katulad ng shabu.

‘Yan ang sumbong sa atin ng isang katoto matapos niyang ma-obserbahan na ang naka-table at naka-gimikang “chiching” ay “high” sa droga habang kinukubabawan siya nito sa loob ng isa sa mga malansang VIP rooms doon.

Sa mga hindi pa nakakaalam, kapag sinabing “gimik” ay nangangahulugang puwede mong “tirahin” (o kan…….tin kung didiretsahin) ang isang model o GRO sa loob ng VIP room sa halagang P1,500 hanggang P2,500.

“Sobrang libog nu’ng babae, pre. Halatang sabog sa drugs. Ecstacy lang ang
puwedeng magpa-andar ng ganun sa isang babae,” kuwento sa akin ng katoto kong dumanas ng kakaibang karanasan sa babaeng aniya’y siguradong bangag sa droga.

Kuwento pa ng katoto ko, malimit niyang mapuna na ang ilan sa mga “mabentang” babae sa loob ng nasabing club ay sumasailalim mula tatlo hanggang limang “gimik” sa loob lamang ng isang  gabi!

Kaya’t gabi-gabi ay tiba-tiba ang mga bugaw na floor manager ng club dahil kada “gimik” ay may komisyon silang P500. Iba pa rito ang “cut” o “tong-pats” ng mga amo nilang sina Bernie at Al.

Ganyan ang kalakaran sa negosyo nilang pagbebenta ng kababaihan o “trafficking of women” – isang kasong kriminal na walang piyansa o non-bailable.

Tama po ba, Justice Secretary Leila de Lima?

Panahon na para kumilos ang inyong tanggapan tungkol sa kasong ito ng Club
Binibini. Puro Koreano ang may-ari ng club na ito at ang isa nga sa mga ito ay
ang pekeng journalist na si James Lee.

Marami po ang nagtataka kung paano napahintulutan ng Bureau of Immigration itong si James Lee na mabigyan ng karampatang “visa” gayung iligal ang kanyang negosyo.

Ayon na rin sa ating batas, bawal sa sinumang foreigner ang mag-operate o
magmay-ari ng isang club lalo na’t ito ay isang putahan o “front” ng
prostitusyon. Lalo pa’t may balitang lugar na rin ito ng bentahan ng iligal na
droga.

* * * * * * * *

Kung sino ang supplier ng illegal drugs sa loob ng Club Binibini ay tiyak na
madaling matutunton ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

‘Yan ang pagsisiguro sa akin ng kaibigang kong abugado na nasa PDEA.

Base na rin sa tip na ibinigay ng isang katoto, isang supervisor at isang floor
manager ng nasabing club ang nangangasiwa sa pagtutulak ng iligal na droga sa mga modelo at GRO doon. Kapwa residente ang dalawa ng Pasay – ang lungsod na problemado sa talamak na bentahan ng droga.

Kung sino ang supplier ng dalawang tulak sa loob ng Club Binibini ay tiyak na
tinatrabaho na ngayon ng PDEA.

* * * * * * *
Apektado ang pagka-sagrado ng Redemptorist Church sa Baclaran (Baclaran Church kung tawagin ng maraming deboto) dahil ilang metro lamang ang layo nito mula sa mga night club katulad ng Binibini na pawang putahan o “front” ng prostitusyon.

Hindi malayo sa kuwento ng Bibliya tungkol sa Sodom at Gomora ang mga istoryang nagaganap sa loob ng mga naghilerang mga night club/KTV bar at gay bar na di-kalayuan sa Baclaran Church.

Unang dapat sisihin sa pangyayaring ito ay walang iba kundi ang chairman ng
barangay na si Roland Cailles. Siya ang nagbigay ng permiso sa mga may-ari ng club para makapagpatayo ang mga ito ng pundasyon ng imoralidad na di-kalayuan sa nasabing simbahan.

Sunod na dapat sisihin ay walang iba kundi si Ginoong Jun Bernabe, ang tila
inutil at walang silbing mayor ng lungsod.

Mayor Bernabe, may ordinansa na ba sa iyong lungsod na nagpapahintulot sa bold shows at operasyon ng prostitusyon tulad ng bar fine at “gimik?”

Tahasan kong ipinapaabot ang tanong na ito kay Mayor Bernabe dahil sa nakikita ko sa ngayon, pipi at bulag si mayor sa mga kaganapan sa loob ng mga establisimentong “front” ng prostitusyon sa Baclaran area.

Mahirap magpanggap na pipi at bulag. Kumbaga sa pelikula, MAHAL ang bayad para sa papel na ‘yan!

* * * * * * * *

Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0927-9117770 o e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.comat malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply