Edu Manzano, no comment sa Keana-Luis issue

Pinabulaan ni Edu Manzano ang tsika na kaya hindi na siya bumalik sa ABS-CBN ay dahil hindi siya sinuportahan ng network sa nakaraang eleksyon. Walang kinalaman daw sa pulitika ang pag-sign up niya sa GMA.

Basta ayaw na lang daw niyang balikan ang dati niyang show na Game Ka Na Ba dahil ayaw na niyang magsayaw sa TV.

Kaya tinanggap niya ang bagong daily game show sa GMA na Asar Talo. Bukod dito magkakaroon din siya ng isa pang show na Not So late Night With Edu kung saan hahaluan ito ng current affairs at public service.

At this point in his life ay wala na raw siyang kinaaasaran pa except for unprofessionalism. Hindi raw siya naaasar kay Sen. Bong Revilla. Hindi rin siya naaasar sa panunukso ni Ted Failon kay Pinky Webb na ex-GF niya.

Ayaw na rin niyang mag-comment tungkol sa pasabog ni Keana Reeves na nagkaroon ito ng intimate encounter with Luis Manzano. Basta ang masasabi lang niya sa present lovelife niya ay “lovely”. Ayaw niyang pag-usapan ang mga babaeng nali-link sa kanya dahil unfair daw ýun sa babae.

***

Guests sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Rocco Nacino at Michelle Madrigal sa Bubble Gang this week. Kasama sila sa Paalam Maid gags at Tagakilos For Hire sketch. Malalaman natin  ang Kaso Ng Kasambahay ay Newsflash Con Senyas.

Ano ang mga kaganapan na mangyayari sa Andale Cooking Show at Retired Genie. Bakit Linis Kunsiyensya ang Best Actor sa Ouija? Kakantahin ng Moymoy ang Time Will Reveal.     Tonee Coraxa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply