El Nino sinisi sa paglobo ng kaso ng dengue

IPINALALAGAY ng Department of Health na malaki ang naiambag ng “El Nino phenomenon” sa bansa sa  biglang paglobo ng kaso ng dengue ngayon taon.

Inihayag ito ni Health Assistant Secretary Elmer Punzalan sa kanyang  pagdalo sa lingguhang forum sa Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan St., sa Sampaloc,Manila.

“Siyempre noong una si-nabi na may El Nino, kaya  nag-imbak ng maraming tubig ang mga tao, tapos nag-tag-ulan na, marami tuloy pinamugaran ang lamok, na dahilan kung bakit lumaki ang kaso ng dengue, partikular dito sa Metro Manila,” ayon kay Punzalan.

Sa kasalukuyan ay uma-bot na sa 67,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa na nai-report habang 435 sa bilang ang nasawi.

Kasabay nito ay pinayuhan ni Punzalan ang publiko na painumin lamang ng para-cetamol ang mga taong may lagnat na hinihinalang may dengue at huwag aspirin.

Paliwanag nito, lalong bababa ang platelet ng dugo at lalong magdurugo kapag pinainom ng aspirin ang pas-yente dahil may sangkap ang nabanggit na gamot na lalong nagpapababa sa bilang ng dugo.

Nagpapatupad na ang DOH ng nationwide monitoring sa mga kaso ng dengue. Nitong buwan ng Setyembre ay tinatayang may 30-35 pas-yente ang isinusugod sa mga ospital kada araw.

Nilinaw din ni Punzalan na hindi magdedeklara ng  state of calamity ang pamahalaan sa kabila ng patuloy na paglobo ng kaso ng dengue dahil wala namang outbreak, bagama’t may mga lu-gar na naitala na may mataas na kaso nito.

Mas makabubuti umano kung ang publiko ay tutulong na rin sa pamahalaan sa kam-panya laban sa dengue, ma-ging ang local government units  at Department of Education.  Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply