Elected officials bawal magbitiw para sa ibang gov’t post

Sa sandaling magbitiw ang isang elected official sa kanyang pwesto, ipagbabawal na ang opisyal na tumanggap ng ibang posisyon sa gobyerno.

Ito ay matapos na aprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagbabawal sa mga elected public official na magbitiw sa tungkulin para tumanggap ng posisyon sa pamahalaan.

Inindorso  ng House Committee on suffrage and electoral reforms sa plenaryo ang House Bill No. 220 na pangunahing iniakda ni Deputy Speaker Lorenzo Tañada III.

Idinagdag pa ni Tañada na marami nang halal na opisyal ang nagbitiw sa tungkulin upang tanggapin ang panibagong tungkulin.

Sinabi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Jr. chairman ng nasabing komite, na tatalakayin sa plenaryo ang nasabing panukalang batas kung saan bibigyan ng pagkakataon ang lahat ng  miyembro na magbigay ng kani-kanilang pahayag sa naturang panukalang batas. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply