Election period para sa Brgy, SK polls simula na sa Sept. 25

Magsisimula na sa Setyembre 25 ang election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakdang idaos sa Oktubre.

Batay sa calendar of activities na ipinalabas ng Commission on Elections en banc, na laman ng Comelec Resolution No. 9019, nabatid na ang election period para sa naturang halalan ay magtatagal sa loob ng 45 araw o hanggang Nobyembre 10.

Kaugnay nito, itinakda na rin ng Comelec mula Oktubre 1 hanggang 13 ang panahon ng paghahain ng certificates of candidacy ng mga taong interesadong tumakbo para sa nalalapit na halalan.

Pinaalalahanan din ng Comelec ang publiko na sa panahon ng 45-day election period ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng armas at anomang deadly weapons, gayundin ang pagkakaroon ng mga bodyguard ng mga kandidato.

Kasabay nito, nilinaw ng poll body na maaari lang na mangampanya ang mga kandidato para sa halalan mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 23.

Ang paghahain naman ng disqualification cases laban sa mga kandidato ay sa Oktubre 18.

Ang Barangay at SK elections ay nakatakdang idaos sa Oktubre 25, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Pagkatapos ay kaagad na ring sisimulan ang bilangan at canvassing ng mga boto, gayundin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply