Enforcer timbog sa nakaw na tricycle

NADAKIP ang isang traffic enforcer matapos bumili ng nakaw na tricycle habang nahuli rin ang nagnakaw nito, sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong anti-fencing law si Lolito Gimoro, 43-anyos, ng Phase 2, Longos, Malabon City habang carnapping naman ang kasong isinampa laban kay John Wilson Legaspin, 18-anyos, ng Caloocan City. Pinaghahanap naman ang dalawang kasama nito na nakilala lang sa mga alyas na Deck-Deck at Tisoy.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw noong September 16, 2010, nang tangayin nina Legaspi ang Kawasaki 125 motorcycle ni Jayson Arabia, 18, habang nakaparada sa Marcela st., Caloocan City.

Kamakalawa ay nadakip si Legaspi at sinabi nito na ibinenta nila ang tricycle kay Gimoro sa halagang P4,000 na naging dahilan upang puntahan ang bahay ng nabanggit na traffic enforcer.

Nabawi naman ang motosiklo kay Gimoro subalit wala na ang sidecar nito na naging dahilan kaya siya dinala sa presinto. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply