Epileptic nahulog sa ilog patay

Tigok ang isang totoy na may sakit na epileptic matapos malunod nang sumpungin ng sakit sa Navotas kamakalawa ng tanghali.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center si Gerald Lipaopao, 11, ng Kawal, Caloocan City.

Sa ulat, dakong 12:30 ng tanghali nang makitang nakalutang ang bata ng kanyang ina na si Alona, 38 sa LRT River sakop ng San Rafael Village, Navotas.

Agad na humingi ng tulong si Alona pero patay na ang bata nang maiahon sa pampang.

Hinala ng magulang ng bata na sinumpong ng sakit na epileptic ang biktima habang naglalangoy sa ilog, kanyang ikinamatay. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply