‘Equation of corruption’: DILG + PNP = Jueteng

IKINUMPARA  ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang  pormula sa pagpapatakbo ng malawakang operasyon ng jueteng sa  kilalang siyentistang si Albert Einstein na tinagurian niyang Filipino Einteins na naka-imbento ng walang kamatayang kutsabahan ng DILG at PNP

Sa kanyang privilege speech kahapon, sinabi ni Santiago na umaabot sa mahigit P300 bilyon ang kinikita ng operasyon ng jueteng sa buong bansa sa loob ng isang taon at isang porsiyento nito napupunta sa kalihim ng DILG at PNP chief.

“The equation DILG + PNP = Jueteng means that illegal jueteng consist of a conspiracy between the interior secretary and the police chief. They are the prime beneficiaries and ultimate protectors of jueteng,” ayon kay  Santiago.

“If we as a people do not rouse ourselves from our stupor, someday the Philippine president will be elected on the basis of who gets the biggest jueteng contribution,” dagdag niya.

Tinukoy din ni Santiago ang ilang top jueteng operator sa buong bansa na may operasyon sa Luzon kabilang ang nakukuhang payola ng lahat ng opisyal ng pulisya at local government unit mula sa lalawigan hanggang sa munisipyo.

Kabilang  sa binanggit ni Santiago na pawang operator ng jueteng sina Atong Ang, Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, Bonito Singson, Rep. Ronaldo Singson, Danny Soriano, Bong Pineda, Aging Lisan at Tony Santos at ilan pang maliliit na operator.

“I cover only Regions 1 to 5, because my informants are still compiling information from other regions.  I commend the province of Aurora and Governor Bellaflor Angara Castillo, because apparently there is no jueteng to speak of in Aurora,” aniya.

Aniya, milyon-milyong piso ang koleksiyon ng jueteng kada araw sa limang rehiyon kabilang ang Laguna, P14M; Pampanga, P9M; Pangasinan, P9M; Batangas, P8.5M; Bulacan, P8M; Nueva Ecija, P7.5M, Quezon, P7.5M.

“From this daily income, the jueteng operator has to subtract his operation expenses of 34 percent.  After subtracting operation expenses, and the jueteng prize money, the operator proceeds to pay, on a monthly basis, protection money to syndicates at various levels, arranged form the highest level ,” aniya.

Bukod sa isang porsiyento ng kabuuang kita sa jueteng ang natatanggap ng DILG at PNP chief, 2% naman napupunta sa PCSO syndicate; 1% sa sindikato sa Games and Amusement Board, intelligence officer at media kabilang ang provincial director ng PNP, gobernador, alkalde, vice mayor, mieybmro ng Sangguniang bayan at panglalawigan at NBI provincial director.   Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply