Erap umayuda sa mga nasunugan sa Navotas

LIBO kataong naapektuhan ng sunog sa dalawang barangay sa Navotas City ang nabiyayaan ng tulong ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada nang dumalaw ito sa mga evacation center.

Kasama nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, dumating si Erap sa Navotas Sports Complex na matatagpuan sa City Hall Complex kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga naapektuhan ng malakas na sunog na naganap noong August 26, 2010.

Kabilang sa mga personal na pinamigay ni Estrada ang bigas, canned goods, noodles, damit at iba pang makatutulong sa pantawid ng buhay ng mga nasunugan.

Ayon kay Erap, hindi niya malilimutan ang Lungsod ng Navotas dahil isa ang naturang lugar sa kanyang mga naging balwarte nang manalo ito noong 1998 presidential election maging nang pumangalawa ito nitong nakalipas na May 10, 2010 election.

Nagpasalamat naman ang magkapatid na Tiangco sa pagtungo ni Erap sa evacuation centers kung saan umaabot sa 7,000 indibidwal ang nabigyan nito ng tulong.

Matatandaan na idineklara ng Sangguniang Panglungsod ang state of calamity sa mga barangay ng Navotas West at Sipac Almacen matapos na lamunin ng apoy ang mga kabahayan dito. R.A MARQUEZ

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply