Erik Morales pinalambot si Limond

Pinabagsak ni three division world champion Erik Morales si Willie “hands of steel” Limond sa loob lamang ng six rounds sa kanilang sagupaan kahapon sa Monumental Plaza de Toros Mexico, Mexico City.

Gamit ang tatlong sunod sunod na body, pinabagsak ni Mexican boxing legend ang kanyang kalaban.

Nakitaan na ng kaunting kalawang si Morales sa paglalaro ng boxing dahil sa medyo mabagal na diskarte nito sa ibabaw ng ring, ayon sa mga boxing analyst.

Sa naturang panalo, nasungkit ni Morales ang bakanteng WBC diamond super lightweight championship.

Huling lumaban si Morales ay noong March 27, 2010 kontra sa WBA lightweight champion na si Jose “Jicaras” Alfaro na ipinanalo niya sa pamamagitan ng 12-round decision para maibulsa ang WBC intercontinental welterweight crown.

Ang naturang laban ay makalipas ang mahigit dalawang taon na pagtigil niya sa pagboboksing.

Sa ngayon target ni Morales na maging unang Mexican boxer na merong world titles sa apat na iba’t ibang weight classes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply