Ilan sa BI personnel sangkot sa human trafficking

MASUSING iniimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) ang posibleng pagkakasangkot ng ilang personnel sa “escort service” kaugnay sa pagpapa-alis ng mga tourist worker sa bansa.

Malaki ang hinala ni Immigration OIC Ronaldo Ledesma, may kinalaman ang mga escort service na nagpo-proseso ng dokumento para maka-alis ang mga tourist worker.

Sa natanggap na ulat ni Ledesma, sa 3,390 na hinarang ng Bureau of Immigration, pinakamaraming bilang dito ay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, na umabot sa 1,111 katao at sumunod sa NAIA Terminal 3,  na mayroong 937 at Diosdadoo Macapagal International Airport sa Clark, Pampanga, na umabot naman sa 677 katao.

Samantalang may 540 katao na nagpapanggap na tourist worker ang naharang din sa NAIA Terminal 2 at 125 naman sa Mactan International Airport sa Cebu noong nakaraang buwan.

Ayon kay Ledesma, ang bilang ng mga hinihinalang tourist worker ay higit na mataas kumpara sa katulad na buwan noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, minamanmanan na rin ng BI ang tauhan ng NAIA na posbleng may kinalaman sa iligal na pagpapapuslit ng  tourist workers sa bansa.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply