Estudyanteng bangag sa marijuana, pumatay

CAVITE- “Gusto ko nang magbago, ayoko nang magyosi ng marijuana.”

Puno ng pagsisisi na nasambit ito ng 19 anyos na estudyante matapos mapatay ang karpintero na kanyang pinagsasaksak sa bayan ng Naic kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni PSupt. Jerry Protacio, hepe ng pulisya rito, kinilala ang biktima na si Ponciano Ipil Sismaet, alias “Bogart,” residente ng Brgy. Latoria, ng bayang ito.

Agad namang naaresto ang suspek na si Mc Robert Mendoza, residente ng Barangay Santulan, kapwa ng bayang nabanggit.

Sa imbestigasyon ni PO1 Alfredo Guevarra, nabatid na habang nag-aasintada ng hollow blocks ang biktima sa kapitbahay ng suspek nang lapitan ito ni Mendoza at inundayan ng mga saksak.

Naaresto ang suspek at nakapiit na sa Naic detention cell. Rubie Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply