Euro generals noon, jueteng gens naman ngayon!

HABANG nagsusulat ako ng ilang mga paksa para sa kolum na ito noong Lunes ng gabi ay nakatanggap ako ng isang text message mula sa cellphone number 092083673__ at ganito ang nilalaman ng naturang mensahe:

“Pres Noy will appoint tomorrow a jueteng general to head the PNP. Let’s mourn for the death of the institution that protects and serves the people. Pls pass.
. . . .”

Malinaw na tinutukoy ng nasabing mensahe si PNP Deputy Director General Raul Bacalzo, ang hinirang ni President Noynoy Aquino bilang kapalit ni outgoing PNP chief Jesus Verzosa sa pagre-retiro nito ngayong Martes.

Buntong-hininga na lang ang naging tugon ko sa nasabing balita sapagka’t sa
pagkakaalam ko, si General Bacalzo ang dating namumuno sa Task Force Usig ng PNP na may misyong hadlangan ang walang saysay na pagpatay sa mga miyembro ng media.

Siya rin ang tinutumbok sa nilalaman ng isang “white paper” na kumalat hanggang sa himpilan ng mga reporters sa loob ng Camp Crame.

Nagmula ang naturang “white paper” sa grupong nagpakilala bilang mga “Junior Officers of the Philippine National Police.”

Tahasang sinasabi ng grupo na di sila sang-ayon sa appointment ni General
Bacalzo bilang bagong pinuno ng PNP sa dahilang sangkot diumano ito sa sugal at bigo sa misyon nito sa Task Force Usig!

Kung anong klaseng sugal ay hindi nila tinukoy sa naturang “white paper” pero malinaw ang sagot sa nilalaman ng text message na aking natanggap mula sa kung kanino man!

Mas mainam kung magsasalita tungkol dito si General Bacalzo o kaya’y si Col.
Agrimero Cruz, ang spokesperson ng PNP.

Sana’y dumalo sila sakaling maimbitahan ng National Press Club of the
Philippines (NPC), sa pangunguna ni President Jerry Yap, para sa isang forum sa mga susunod na araw!

Sa isang banda, maligayang pagbati kay General Bacalzo bilang bagong pinuno ng PNP!

* * *

Natiyempo ang pagkaka-promote ni General Bacalzo na naganap habang nasa
kasagsagan ngayon ang isyu laban sa pesteng sugal na jueteng na “pinapakuluan” ni retired Archbishop Oscar Cruz.

At kung jueteng ang sumambulat bago naupo si General Bacalzo bilang PNP chief, “euro generals” naman noon ang kay General Verzosa.

Kung inyong matatandaan, kasama pa ang maybahay ni Gen. Verzosa nang harangin ng mga customs officers sa Moscow airport ang grupo ng binansagang “euro generals” na pinangungunahan ni dating General Eliseo dela Paz, ang dating comptroller ng PNP.

Ilan sa mga “euro generals” ang kailan lang ay inayunan ng Office of the
Ombudsman na sampahan ng kaukulang kaso sa Sandiganbayan.

* * *

Congressional probe lang ang hinihintay ni dating Arsobishop Cruz para tuluyan niyang ibunyag ang sinasabing mga opisyal ni P-Noy na nagsisilbing “protector” o kabilang sa “payola” ng jueteng lords sa buong bansa!

Tama ang isang senadora nang sabihin niya na may pagkakamali ang Palasyo sa ginagawa nitong paghamon kay Cruz na ibunyag ang mga taong sinasabi niya.

Para sa senadora, walang dapat gawin ang palasyo kundi ang gisahin ang mga
namumuno sa Department of Interior and Local Government (DILG) at PNP tungkol sa jueteng sapagka’t siyento-porsiyentong alam ng mga ito kung sino-sino ang nasa likod ng jueteng operations sa buong bansa!

Sa punto ng senadora, hindi malayong ipatawag si retired General Verzosa sa
itatakdang hearing ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

* * *

Alam na pala ni DILG Undersecretary Rico E. Puno na may operasyon ng jueteng sa bansa mula nang maupo si P-Noy. ‘Yan ay dahil sa sinabi niyang may “offer” sa kanya ang mga jueteng lords kung kaya’t pinag-piyestahan siya ng media ngayon.

Ang tanong: May nalalaman ka na pala noon, eh bakit hindi   mo kaagad sinabi kay President Noy?

O, may estikola ka pa?

* * *
Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0927-9117770 o e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran! Boyet Munar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply