Europe trip kinansela ni PNoy

KANSELADO na ang nakatakdang biyahe ni Pangulong Aquino  sa Brussels, Belgium sa darating nsa Oktubre 3-5, 2010.

Personal na inanunsyo ni Pangulong Aquino ang bagay na ito sabay turo sa  DFA para pagpapaliwanag kung bakit niya kinansela ang nasabing biyahe.

Sa Brussels, makikibahagi sana ang Pangulo sa Asia-Europe Summit na dadaluhan ng iba’t ibang heads of state sa Asya at Europe.

Sinabi nito na may consensus na limitahan ang kanyang biyahe at tutukan ang bagay na ito.

“We were made to understand that some of the world leaders won’t be attending (Asem). The value of going there would be diminished if some of the world leaders wont be going as well,” ayon sa Pangulong Aquino.

Inilatag naman nito ang mga dahilan kung bakit kanselado na ang kanyang Brussels, Belgium trip.

“One, limit the foreign trips, prioritize those that are necessary in keeping with his campaign promise to limit his trips abroad; i want to attend more to domestic concerns; we were made to understand that some world leaders are not going. The consensus was reached yesterday during a meeting of the various concerned agencies. It was agreed that the Secretary of Foreign Affairs would go,” ang pahayag nito.

Nauna rito, dumating sa Cebu si Pangulong Aquino III kasama ang ilang miyembro sa kanyang gabinete pasado alas onse kahapon ng  umaga.

Dinaluhan ng Chief Executive ang Regional Economic Managers Briefing and Dialogue kasama ang 200 Cebu-based businessmen na ginanap sa Cebu City Marriot Hotel.  Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply