Ex convict kinadyot ng kosa

NASAWI ang isang miyembro ng Batang City Jail matapos  saksakin ng kakosa dahil sa pagsuntok sa live in partner nito kamakalwa ng gabi, sa Tondo Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Jimmy delos Santos, 24,  nakatira sa Tambakan Dumpsite, Pier 18, Vitas, habang pinaghahanap ang suspek na si Garry Lucianas, ng nasabi ring lugar.

Ayon kay Supt. Rogelio Rosales, Jr.,  dakong alas-9:45 ay sinundo ng biktima ang live-in partner na si Glenda Bajar, 19, na noon ay nakikipag-inuman sa grupo  ng suspek na nagdiriwang ng kaarawan.

Nang nakita ng biktima ang kinakasama ay nagalit kaya sinutok sa mukha at inuwi sa kanilang bahay pero binalikan nito ang suspek na armado ng patalim.

Ang suspek ay may nakahanda na ring panaksak kaya nang undayan ito ng biktima ay naunahan naman siya ng huli.

Nang bumagsak ang biktima ay saka mabilis na tumakas si Lucianas.

Isinugod si Bajar sa Tondo Medical Center ngunit binawian din ng buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply