Executive secretary na lasing at kotong sa MPD

PAANO kayo makapagtatrabaho kung madalas kayong lasing?

Yan ang tanong ng ating uzi makaraang mapansin nito si Executive Secretary Paquito Jojo Ochoa na madalas na nangangamoy alak.

Hindi po naniniwala ang ULTIMATUM pero nang magsumbong na ang isang retiradong heneral ay nakumpirma nating mapagmahal nga sa alak si E.S..

Noong party raw ng  pagreretiro ni Gen. Jeff Soriano,  talaga nga namang hindi sumuko itong si E.S. hanggang may alak na maiinom. Inabot daw ng alas-10 ng umaga sa loob ng multi-purpose ng Kampo Crame ang inuman kaya hindi na nakatulog ang mga naka-duty ditong pulis.

Huwag n’yo naman pong masamain, Honorable E.S. Sa dami po ng problema ngayon ng taumbayan eh baka naman po puwede n’yo munang ipagpaliban ang pag-inom.

Kayo na lang po ang matapat na tauhan ng Pang. Noynoy na kanyang maaasahan.

Hindi gaya nung inilagay sa DILG na si Usec. Rico Puno na sana’y magbibigay ng proteksyon kay
PNoy pero isang katutak palang sinungaling. Hindi raw nakikipag-usap sa mga gambling lord pero ano ang ginagawa n’ya sa bahay nina “Dose”?

Karamihan po ng mga nakapuwesto ay bata ni Mar Roxas, sino pa kaya ang aasahan ni P-Noy?

Paalala lang po na hindi na ho siyudad ang hawak n’yo gaya ng Kyusi. Sa kasalukuyan ay buong Pinas na po ang pinagsisilbihan n’yo, Honorable E.S..

Bagamat hanga po ang ULTIMATUM sa galing ninyo, pero mas naniniwala pa rin po ang inyong lingkod na mahirap talagang magtrabaho ng lasing o mayroong hang-over.

Payong kapatid lang po yan Honorable E.S.!

oOo

Tuloy ang ligaya sa Manila Police District ni Gen. Rongavilla. Noong una, hindi tayo naniniwala na tumatanggap ito ng padulas galing sa kolektor na si Mike Pornillos. Ngayon ay naniniwala na po ang ULTIMATUM. Bakit?

Aba’y pinayagan pa raw ni Ronga na mag-operate na mismo si Pornillos ng video karera sa Maynila para mas lumaki ang lingguhang parating sa MPD.

He! He! He! May parating din kaya si Cong. Atong sa pinaggagawa nitong si Pornillos?

Yan ang matuwid na daan na sinasabi ng ating Pang. Noynoy na winawalanghiya ng kotong cops!

Ituloy mo lang yan, Sir, isusumbong na lang kita pagbalik ni PNoy galing US.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply