Expose ni Miriam dinedma ni TG

TABLADO at mukhang walang naging saysay ang pagbubulgar ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa malawakang operasyon ng jueteng sa bansa partikular ang kinikita at payolang napupunta sa matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sa panayam kahapon ng Bombo Radyo, sinabi ni Sen. Teofisto “TG” Guingona Jr., na hindi ipatatawag ang lahat ng personalidad na binanggit ni Santiago sa kanyang privilege speech nitong Miyerkoles upang kuwestiyunin ang kanilang partisipasyon sa jueteng.

“Hindi na natin ipapatawag ang lahat ng pangalan na binanggit ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa kanyang expose, sa halip, isusumite ito sa executive department upang alamin ang katotohanan,” ayon kay Guingona.

Nitong Miyerkoles, ibinulgar ni Santiago sa kanyang privilege speech ang pangalan ng ilang personalidad na may hawak sa operasyon ng jueteng kabilang ang payolang tinatanggap ng kalihim ng Department of Interior and Local Government, hepe ng pambansang pulisya at ilang opisyal ng pamahalaang lokal, pulisya at Philipppine Charity Sweepstakes Office at Games and Amusement Board.

Kabilang  sa binanggit ni Santiago na pawang operator ng jueteng sina Atong Ang, Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, Bonito Singson, Rep. Ronaldo Singson, Danny Soriano, Bong Pineda, Aging Lisan at Tony Santos at ilan pang maliliit na operator.

“Kung ipatatawag ang mga pangalan na nabanggit sa exposes, maaaring walang katapusan ang pagdinig dahil inaasahan na mas marami pang lulutang na testigo,” giit ni Guingona.

Kasunod nito, muling itinakda ni Guingona sa susunod na Martes ang pagdinig upang makadalo si dating PNP chief director general Jesus Verzosa, DILG Sec. Jesse Robredo, USec, Rico Puno at iba pang testigo laban sa jueteng.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply