Fetus, sanggol napulot sa Manila Cathedral at Quiapo church

WALA nang buhay nang matagpuan ang bagong panganak na sanggol at isang fetus na pawang mga lalaki ang kasarian kamakalawa ng hapon sa magkahiwalay na simbahan sa Maynila.

Unang naiulat na natagpuan ang fetus na tinatayang nasa 6-7 buwan pa lamang na nakasilid sa isang green plastic bag dakong 5 ng hapon sa loob mismo ng Manila Cathedral Church sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay PO3 Jay Santos, ng MPD-Homicide Section, isang church goer ang nakapansin sa nasabing plastic at nang kanyang bulatlatin ay bumungad sa kanya ang isang fetus.

Samantala, natagpuan naman dakong 6:45 ng hapon  ang bagong panganak na sanggol na nasa 7-9 buwan gulang na.

Ito ay nakalagay sa isang stripe red at white plastic bag at isinilid sa isang selyadong carton saka ibinalot sa garbage plastic bag.

Ang sanggol ay nadiskubre ni Rolando Sabia na agad ipinagbigay alam sa pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply