Firm Grip nalo sa Class D 8-7

HINDI Naging sagabal ang 57 kilong peso ng Firm Grip nang angkinin ang panalo sa Class Division 8-7 sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Umalalay si Jocky Jesse B. Guce sa mga de-bokang kabayong Sir Henry, Miss Chanel at Key Boy pag-arangkada sa aparato.

Sa pagsapit sa back stretch ay nasolo ang unahan ng 3rd choice na Miss Chanel subalit unti-unting kinapos sa far turn.

Pagsapit sa huling 100 meters pinakawalan ni Guce ang paboritong Firm Grip na kasunod ang dehadong Europa na ginabayan ni class D Jockey E.G Reyes.

Terseo sa datingan ang Sir Henry at pumang-apat ang Think Tank.

Tinawid ng Guce-Firm Grip tandem ang 1,200 meter race 7 sa tiyempong 1:16.08 may dalawang kabayong distansiya.

Ang forecast combination na Firm Grip (1) at Europa (4) ay nagbalik ng P144.00 samantalang ang daily double na races 6-7 na Wind Shore Lady at Firm Grip (5-1) ay nagdibidendo ng P24.50. Radito Torres

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply