Fish nakabingwit uli ng panalo

NAKALAMBAT ng isa pang panalo si Mardy Fish matapos gibain si Santiago Giraldo 3-6, 6-3, 7-5, 4-6, 8-6 na nagbigay sa United States ng 3-1 lead laban sa Colombia sa Davis Cup.

Dahil sa panalong ito ng US sa playoff match ng outdoor red clay, ang Tate ay mananatili sa World Group, ang top tier ng Davis Cup.

Ang Colombia naman ay nagtatangkang makapasok sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon kay Fish, hindi ganoon kadali ang pagsungkit ng tagumpay niya dahil maraming pawis at dugo rin ang nawala sa kanya bago ito nasikwat.

Itinanghal din si Fish bilang kauna-unahang American na nanalo nang tatlong beses sa single Davis Cup match.

Matatandaan na una na itong ginawa ni Pete Sampras sa 1995 final sa Moscow.

Nanalo na rin si Fish sa opening singles nitong Sabado at nakipagtuwang siya kay John Isner dahilan upang magwagi ang Amerika nitong Linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply