Fixers sa LTO ‘di na makapoporma sa online registration

UPANG tuluyan nang hindi makaporma ang naglipanang fixers, sinuportahan ni Land Transportation Office Chief Virginia Torres ang online registration ng mga sasakyan sa ahensiya.

Sinabi ni Torres na pangarap niyang matupad na maging fully automated ang proseso sa transaksiyon sa pagrerehistro ng sasakyan upang maalis nang tuluyan ang mga fixer.

Anya, kapag naging online na ang transaksyon sa LTO, wala nang fixers na makapanloloko sa mga inosenteng mamamayan na tutungo sa ahensiya para mairehistro ang kanilang sasak-yan.

Una nang sinuportahan ni Torres ang  House Bill 952 o kilala sa tawag na  Compulsory Registration of Heavy Equipment na naisampa ni Tarlac Rep. Jeci Lapus.

Layunin din ng panukala na mairehistro rin ang mga heavy equipment tulad ng bulldozers, road graders, pay loaders, cranes at iba pa na hanggang sa ngayon ay hindi nairerehistro sa LTO su-balit muling naibebenta sa ibang indibidwal na maaaring gamitan ng mga pinekeng dokumento.

Gayunman, sinabi ni Torres na kailangan pang baguhin ang batas hinggil dito dahilan sa umiiral na batas, ang mga motor vehicle lang ang required na irehistro sa LTO. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply