Flight attendants ng PAL nagbanta ng pag-aalsa

HINDI pa man tuluyang sarado ang usapin hinggil sa mga nag-aklas na piloto ng Philippine Airlines (PAL), panibagong suliranin na naman ang kinakaharap nito matapos na magbanta ang grupo ng mga Flight Attendants na magwewelga, upang kondenahin ang ‘age discrimination’ na nais pairalin ng nabanggit na kompanya.

Ang Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) ay nagbanta na magsagawa ng 100 percent strike  laban sa PAL management matapos na magsumite ng notice of strike sa DOLE office noong Huwebes upang tutulan ang sinasabing ‘age discrimination’ laban sa kanila.

Ayon kay FASAP president Bob Anduiza, sakaling nasunod ang procedures ay inaasahan nila na ang strike ay matatapos sa katapusan ng October o hanggang November dahil may karapatan silang magwelga at dapat na i-exercise ito.

Samantala, nanawagan naman si PAL spokewoman Cielo Villanuna sa  FASAP na huwag nang ituloy ang strike dahil hindi pa ito napapanahon at kailangan pang mapag-usapan nang maayos.

Magugunita na tinutulan ng FASAP ang PAL’s mandatory retirement para sa mga flight attendants na aabot sa edad na 40 at ito ay bahagi ng collective bargaining agreement.

Nabatid na simula pa noong taong 2000 ay ipinaglaban na ng FASAP na pataasin pa ang retirement age ng mga lalaki at babaeng flight attendants sa edad na 60. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply