Foreign investors diretso ang negosyo sa RP

KUMPIYANSA si Pangulong  Aquino  na papasok pa ang mga karagdagang Foreign Direct Investments (FDIs) sa bansa.

Ito ay resulta  ng magandang performance ng ating capital market.

Inihayag ng Punong Ehekutibo na ito ang tatrabahuin at kanyang pagsisikapang makamit sa kanyang nakatakdang biyahe sa Estados Unidos.

Ayon kay Aquino, nakakadagdag ng kumpiyansa ang lumalagong stock market kung saan noong Lunes, naitala ang all time high PSE index at nitong nakaraang linggo nakapagtala ito ng average na P5.78 billion volume.

Ngayong linggo, aasahan  ang average turn-over na mahigit P6 billion.

Bukod dito ay umani rin umano ang bansa ng positibong tugon mula sa global market kung saan kumita ito ng $1 billion sa peso bond sale.

“It’s not just the stock market. We’ve seen an enthusiastic response to our global peso bond offer,” wika ni ni Pangulong Aquino. Kris  Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply