Frat member inginuso sa bar exam bombing

MARIING itinuro ng ilang estudyante ang pagkakadawit sa pagbato ng umano’y bomba ang isang miyembro ng fraternity na nakilalang si Jed Carlo Lasaga, ng Pilar, Cebu matapos umanong gulpihin ng kalabang grupo  habang nasa kasagsagan ng batuhan at pagsabog ng bomba sa huling araw ng isinagawang bar examination sa Taft Avenue sa Malate, Manila.

Si Lasaga ay unang nagreklamo sa MPD-Malate Police Station 9, nang paggugulpihin umano siya matapos masukol sa nasabing madugong tagpo.

Gayunman, ilang testigo  ang nasabing inamin sa kanila na yung kasama nito ang naghagis ng bomba at hindi umano si Lasaga na mabilis na tumakas patungong Cebu.

Gayunman, sa pagkakatuklas ng grupo sa pangunguna ni Chief Insp. Fernando Opelanio hepe ng MPD-District Police Intelligence Operation Unit, mariing itinuro si Lasaga sa nasabing krimen.

Dahil dito, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para  tuluyang tuldukan ang nasabing usapin at tinutugis si Lasaga para isailalim sa masusing interogasyon. Rene Crisostomo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply