Freddie Roach sa Playboy

ITINAMPOK si top trainer Freddie Roach sa October issue ng Playboy na mabibili na umano ngayon sa mga tindahan ng diyaryo sa Amerika at iba’t ibang sulok ng mundo.

Sa kwento ng buhay ni Roach, kasama niya roon ang kanyang ina sa New England na unang female boxing judge at naging isang fighter.

Ayon kay Roach, malakas sumuntok ang kanyang ina at katunayan ay nakabasag na ito ng isang aluminum baseball bat.

Si Roach ay kilalang trainer ni Manny Pacquiao. Sa nasabing artikulo ay napag-usapan din umano si Floyd Mayweather kung saan isiniwalat ng trainer kung paano ito tatalunin.

Samantala, si dating IBF jr welterweight champion Paulie “The Magic Man” Malignaggi ay nakalagda na sa Golden Boy Promotions.

Opisyal din itong inanunsiyo ni Malignaggi sa kanyang account sa Twitter.

Ayon kay Malignaggi, nakahanda na siyang lumaban para sa kanyang bagong tahanan. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply