GANTI (Ika-11 labas)

WALANG nagawa ang tropa kundi  panoorin ang nakapangingilabot na  paghihirap ni Bruce.

Halos magtayuan ang kanilang mga balahibo sa  nakitang isinusuka ng kanilang kaibigan.

Mga thumbtacks at maliliit na pako na may kahalong dugo.

Nagtalsikan pa sa  sahig ang mga ito.

Maya-maya’y biglang nasamid si Bruce.

Kasunod nito, bigla niyang itinirik ang mga mata saka lumungayngay ang ulo.

Patay na siya.

Galit na galit si Axel.

“ORAS NA MAKILALA KO KUNG SINO ANG TUMARANTADO KAY BRUCE, PAPATAYIN KO SIYA!” sigaw niya.

May dumating na mga pulis para mag-imbestiga.

Biglang nawala ang mga thumbtacks at pako na nagkalat sa sahig.

Napalitan ng kalat-kalat na dugo.

Paano nila ngayon mapaniniwala ang mga alagad ng batas na sa kulam namatay si Bruce?

Ang sama tuloy ng tingin sa kanila ng mga ito.

Pinaghinalaan silang gumagamit ng bawal na gamot at nasobrahan ng tama kaya ang naging tingin nila sa dugong isinusuka ng kanilang kaibigan ay mga thumbtacks at maliliit na pako.

Sa kanilang bahay sa malayong lugar sa Samar, may itinirik na isang kandilang itim si Aling Pilar sa harap ng larawan ni  Alexandra.

Nakangiti ang matandang babae.

“Nagsisimula nang mabawasan ang bigat ng iyong dibdib, anak. Nagbayad na ang isang gahaman sa laman na kasamang dumurog sa iyong kapurihan,”  sabi ng mangkukulam.

Nag-iinuman sina Axel sa paborito nilang watering hole sa  Makati sa mga sandaling iyon.

Hindi nila maubos isipin ang nasaksihan kagabi.

“Kitang-kita ko na mga thumbtacks at maliliit na pako ang isinusuka ni Bruce. Paanong naging pangkaraniwang dugo?” tanong ni Axel sa mga kasama.

“Hindi kaya namalikmata lang tayo? Mataas kasi ang karga natin kahapon kaya ang naging tingin natin sa isinusuka ni Bruce ay mga thumbtacks at maliliit na pako,” sabad ni Clark.

Bago inilibing ang kanilang kaibigan, inilabas ng doktor na sumuri sa kanya ang kinalabasan ng pagsusuri.

Ang kanyang findings, sakit sa baga at pagkahirin ng dugo ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Nakahinga nang maluwag si Axel.

“Namalikmata nga lang tayo. Niloko tayo ng ating sarili. Tingin natin ay mga thumbtacks at maliliit na pako ang kanyang isinuka pero hindi pala,” anya.

“Kung gayun, tuloy ang ligaya. Pagkalibing ni Bruce, gigimik ulit tayo,” sabi ni Bogart.

Nang matapos ilibing ang kanilang kaibigan, nagbakasyon ang tropa sa beach house nina Clark sa Cavite.

Plano nilang magbakasyon para makalimutan ang sinapit ng kanilang katropa.

Habang patungo sila rito, may naraanan silang paghahanda sa gym para sa gaganaping beauty contest sa lugar pagsapit ng gabi.

One thousand ang halaga ng ticket sa ringside at five hundred naman sa itaas.

Hindi  nag-usap pero makahulugang nagkatinginan ang grupo.

Tumuloy na sila sa beach house nina Clark.

Pagdating nila rito, kaagad na binigyan ng una ng pera ang mag-asawang katiwala para bumili ng  masarap na pulutan at mamahaling alak.

Naligo muna sila habang inihahanda ng mag-asawang katiwala ang kanilang food.

Nang nag-iinuman na sila, naging topic nila ang naraanan kanina.

“Magaganda ang mga babae rito. Manood tayo ng beauty contest. Malay natin na makakita tayo
nang mapagkakalibangan habang nagbabakasyon sa lugar na ito,” suhestiyon ni Bogart. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply