GANTI (Ika-12 labas)

HINDI nagpakalasing ang grupo.

Nang sumapit ang gabi, gumayak sila para pumunta sa patimpalak ng kagandahan kung saan ang venue ay sa gym ng nasabing bayan.

Marami ng tao nang dumating sila sa lugar.

Balewala sa kanila ang magbayad ng mahal na tiket.

Pawang anak-mayaman sila kaya pare-parehong mapepera.

Disente ang dating ng lima.

Mga mukhang seminarista pero sa demonyo ang kaluluwa.

Isa-isang lumabas sa stage ang mga beauty contestants.  Walang kurap na nanonood ang grupo.

Hindi sa nanalong miss talent sila intresado.

Hindi rin sa tinanghal na beauty queen that night kundi sa nanalong miss swimsuit.

Mapang-akit ang kanyang mukha ..

Pamatay naman ang hubog ng katawan na ubod ng kinis …

Parang si Alexandra …

Ganitong tipo ng babae ang gusto ng grupo na kalaro sa kama.

“Nag-iinit ang dugo ko sa babaeng iyan. Paano kaya natin siya madadagit?” anas ni Bogart kay Axel.

“Hindi natin kailangang mag-apura. Dapat na mag-ingat tayo para hindi sumabit,” sagot naman ng huli.

“Sayang iyan,” sabad naman ni Calvin. “Kailangang magkaroon tayo ng isang magandang alaala sa piling ng bebot na iyan bago tayo umalis sa lugar na ito.”

Nang matapos ang patimpalak ng kagandahan, hindi kaagad umalis ang grupo.

Pumuwesto sila sa labasan.

Nag-shopping muna sila sa alindog ng mga beauty contestants na isa-isang naglabasan.

Nang lumabas ang miss swimsuit na nagngangalang Krishna, mabilis na nilapitan at binati ni Axel.

Tapos ay nagpakilala ang binata.

Naglapitan na rin sina Bogart, Calvin, Clark at Macoy.

Hindi naman naging maramot ang dalaga at tinanggap ang kanilang pakikipagkaibigan.

Nang umuwi na si Krishna kasama ang pamilya lulan ng kanilang van, sinundan nina Axel kung saan nakatira.

Sa mismong bayan malapit sa plaza pala siya nakatira.

“Easy target sa atin ang bebot na iyan,” nakangiting sabi ni Axel habang nagbibiyahe sila pabalik sa beach house.”

“Bakit mo naman nasabi iyan?” tanong ni Bogart.

May nakuha na akong info hinggil sa kanya. Maaga pala siyang gumising dahil nagda-jogging tuwing madaling araw. Konti pa lang ang tao at madilim pa sa ganoong oras. Madali natin siyang madadagit,” sagot ni Axel.

Masayang nagkatawanan ang grupo.

“Akala ko ay masasayang ang pagbabakasyon natin dito. Hindi pala,” sabi ni Calvin.

“Kahit saan tayo pumunta, magiging memorable ang ating bakasyon, hindi ba, Axel?” sabi naman ni Macoy.

“Ako pa!” sagot naman ng binata.

Tawanan.

Dumeretso na sila sa beach house at natulog.

Hindi pa sila dapat na kumilos.

Dahil napuyat si Krishna, tiyak na absent siya sa pagda-jogging kinabukasan.

Tanghali na nang sila ay magising.

Tuloy ang pagpapasarap nila sa buhay.

Matapos kumain ay naligo sila sa dagat …

Tuloy ulit ang inuman hanggang hapon.

Pero pagkagat ng dilim ay natulog na sila.

Kailangan nila ng lakas at resistensiya para sa makahayop nilang misyon pagsapit ng madaling-araw. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply