GANTI (ika-pitong labas)

MAY katarungan pa nga kayang naghihintay sa sinapit ni Alexandra?

Paano?

Kung hindi makikialam ang langit, wala na nga siguro.

Isang tanghali, isang lalaki ang nagtungo sa kakahuyan para mangunga ng panggatong.

Kasama niya ang alagang aso.

Nagtaka siya ng makita ang alaga na may pinagkakaabalahang kaybutin ng mga paa sa ‘di kalayuan.

Naisipan niyang mag-imbestiga.

Nakita niyang sariwa pa ang tabon sa hukay na pinagkaaabalahang hukayin ng alagang aso.

Sa halip na sawayin ang alaga, naisipan niya itong tulungan …

Hanggang sa lumitaw ang sako na kinasisidlan ng bangkay ni Alexandra.

Kinabahan ang lalaki …

Hangos na umuwi at ini-report sa kanilang barangay chairman ang natuklasan.

Kasama ang mga barangay tanod na mabilis silang nagresponde.

At naiahon nila ang bangkay ni Alexandra.

Naging isa itong malaking balita na lumabas sa mga diyaryo at telibisyon.

“ALING PILAR … ALING PILAR!” sigaw ng isang lalaki habang humahangos patungo sa bahay ng ina ni Alexandra.

Nagwawalis sa harapan ng kanilang bahay ang matandang babae nang lumapit ang lalaki.

“Ano bang importanteng balita ang dala mo at may pagsigaw ka pa, Pilo?” tanong ng una.

“A-Alam mo na ba ang nangyari kay Alexandra, Aling Pilar?” tanong ng lalaki.

Biglang napamaang ang matandang babae …

Pakiramdam niya ay para siyang sinuntok sa dibdib …

Natakot siyang magtanong pero nasabik siyang malaman ang balitang dala ng kababaryo.

“H-Huwag ka sanang mabibigla, Aling Pilar. Patay na ang anak mo. Aksidenteng nahukay ng isang aso ang kanyang kinalilibingan at matapos imbestigahan ng mga pulis ay natuklasang biktima ng gangrape!”  katal na pagkukuwento ni Pilo.

Biglang tinakasan ng ulirat ang matandang babae dahil sa nalaman.

Kagulong pinagtulungan naman siyang pagyamanin ng mga kapitbahay.

“Ano ang kasalanan ng anak ko para gawan nila ng masama?” panaghoy ni Aling Pilar nang magkamalay.

Walang malamang isagot ang mga kapitbahay.

Samantala, sa pagtutulong-tulong ng mga nagmamalasakit, nakauwi ang bangkay ni Alexandra sa bayang sinilangan.

Nasa loob ng kanyang kuwarto si Aling Pilar ng mga  sandaling iyon …

Nagkukulong ….

Kung ano ang ginagawa niya rito, tanging siya lamang ang nakakaalam.

Isang babaeng kapitbahay ang kumatok sa saradong pintuan ng kanyang kuwarto.

“Aling Pilar, dumating na po ang bangkay ni Alexandra,” mahinahon niyang tawag.

Marahang bumukas ang pintuan …

Hindi na umiiyak ang matandang babae …

Kalmado na …

Nang lumabas siya, magkakatulong na ipinapanhik sa kanilang bahay ng mga tauhan ng punerarya ang bangkay ni Alexandra ….

Pinabuksan ni Aling Pilar ang kabaong …

Parang natutulog lang ang anak pero nakabadha sa mukha ang matinding hirap na dinanas.

Umusal-usal ng mga katagang tanging siya lamang ang nakakaalam ang matandang babae.

Matapos ito, pilit niyang iniangat ang talukap ng mga mata ni Alexandra. ITUTULOY


Leave a Reply

*
nakakatawa talaga ang mga comment ni kristd...haha...
KristD yong ginawa mo rin ditto ay mind conditioni...
Ahahahahahahahaha,bwuhahahahahahaha. Good one. Tw...
yuhooo mga kapamilya " KUPS' Scoop hahahah hinay...
NYAHAHAHA STD LOLA MUZTA NAMAN KEPS MO LOLA MASIKI...
nyahahahah 'kapay' kaya pala nag dabog si Starlet ...
nyahahahahah ang laki talaga ng tawa ko rin ng tin...
nyahahahah ay korek ka ako may kilala rin madal...
nyahahahhaha ' kapay' grabee na talaga ang kalaswa...
nyahahahah korek na korek si gary Sta. Ana...he he...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.