GANTI (ikaanim na labas)

HINDI pa rin mapalagay, naisipan ni Aling Pilar na lumuhod sa harap ng altar at ipinagrosaryo ang kaligtasan ng anak.

Hanggang sa makatulugan na niya ang pagdarasal.

Hindi natutulog ang tropa ni Axel sa mga sandaling iyon.

Pinagpupuyatan nila si Alexandra.

Matapos makalipos ang anim, umulit ang lider ng tropa.

Isa-isang sumunod ang mga kasama …

Tinigis nila nang husto ang kanilang pananabik sa maganda at seksing coed.

Hindi sila tumigil hangga’t hindi ganap na natitighaw ang pagkauhaw nila sa kamunduhan.

Nakalimang lipos sila nang ganap na manghina at tigilan ang kawawang biktima.

Nasisiyahan silang nakatulog.

Tanghali na nang sila ay magising.

Inuman ulit …

“Pinagod tayo ni Alexandra pero sulit,” sabi ni Axel.

“Ang sarap niya. Nakakaadik!” sabi naman ni Bruce.

Hanggang sa muling mag-init at mabuhay ang likas na kamanyakan.

But this time ay hindi na sila nag-aagawan.

Kung sino ang pinakamatindi ang pangangailangan, hinayaan na lang nila na mauna.

Kaagad na pumasok si Calvin.

“Nalulugi ako kapag kayo ang nauuna. Ako naman ngayon!” anya at hangos na pumasok sa kuwarto na kinaroroonan ni Alexandra.

Kung gaano siya kabilis na pumasok, ganoon din siya kabilis na lumabas.

Namumutla.

“Bakit? Ano’ng problema, pards?” tanong ni Clark.

“S-Si Alexandra … hindi na gumagalaw. Parang patay na!” katal na tugon ni Calvin.

Dahil sa sinabi ng kasama, biglang nagpasukan sa kuwarto na kinaroroonan ng coed ang tropa.

Wala na ngang buhay ang kawawang biktima …

Medyo matigas na ang katawan.

“A-Ano ang gagawin natin ngayon?” nagpapanik na tanong ni Calvin.

“Relaks lang kayo. Huwag kayong kabahan,” sagot naman ni Axel. “Kailangang pag-isipan nating mabuti kung ano ang gagawin sa kanyang bangkay.”

Nag-usap-usap sila …

Kanya-kanyang suhestiyon …

Palitan ng opinyon.

At napagkasunduan nilang ilibing sa malapit na kakahuyan ang bangkay ni Alexandra.

Ang maghuhukay nang magiging libingan ng biktima, sina Macoy, Clark at Bogart.

Sina Bruce at Calvin naman ang maglilibing.

May dalang piko at pala na nagtungo ang tatlo sa kalapit na kakahuyan.

At bago naghukay, siniguro nilang walang tao na nakakakita sa kanila.

Sa bahay, magkakatulong namang isinilid sa sako nina Axel ang bangkay ni Alexandra.

At nang naka-ready na ang hukay na ginawa ng tatlong kasama, magkakatulong na dinala nila ang labi ng coed at inilibing.

Matapos ito, bumalik na sila sa bahay bakasyunan.

Nilinis ang anumang bakas ng kanilang kahayupan bago bumalik ng Maynila.

Sa paniniwala ng anim, perfect crime ang kanilang ginawa.

Ligtas sila sa pag-uusig ng batas. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply