GANTI (Unang labas)

Nobela ni  Cedric Bonifacio

KATULAD ni Alexandra ay bulaklak na bago pa lamang namumukadkad.

Maganda, sariwang-sariwa at mabango.

Sa kanyang galaw, halatang-halata na siya ay isa pang certified virgin.

Tuwing papasok ang dalaga sa pinapasukang unibersidad, nakatambay sa daraanan niya ang grupo nina Axel.

“Ang sarap singhutin ng hangin,” parunggit ni Macoy.

“Ano bang amoy?” nakangising tanong naman ni Bogart.

“Amoy virgin!”

Sambulat ang malakas na tawanan.

Hindi pinansin ni Alexandra ang pagpaparinig sa kanya ng grupo ni Axel.

Alam niya na wala siyang mapapala kundi away.

Binilisan niya ang paglalakad para makalayo.

Hatid siya ng tingin ng grupo.

“Alam n’yo matagal na akong gigil na gigil sa bebot na iyan. Katunayan, madalas ko siyang mapanaginipan,” sabi naman ni Bruce.

“Ano naman ang dream mo, pards?” tanong ni Calvin.

“Nasa gitna raw kami ng malawak na parang at bigay todo na nagsi-seks habang inggit na inggit kayo na nanonood!”

“Gago ka, ha! Mamayang gabi, ako naman ang mananaginip at ikaw naman ang tulo-laway sa inggit na nanonood,” nag-iinis-inisang sabi naman Clark.
Tawanan.

“Pulos kayo panaginip,” inis na sabad ng lider na si Axel sa kanilang usapan. “Bakit hindi natin gawing makatotohanan ang inyong kalokohan?”

“Ano ang ibig mong sabihin, pards?” nakamaang na tanong ni Bogart.

“Dukutin natin si Alexandra. Gawin nating sextoy!” nakangising sagot ni Axel.
Biglang nagkatinginan ang mga kasamahan niya.

“Tiyak na rapsa ang bebot na iyan. Call ako sa ideya mo, pards!” mabilis na sabi ni Bogart sabay taas ng kanang kamay.

“Naku! Duduguin sa akin ang lukaret na iyan. Lahat ng miyembro ng kanilang pamilya pati na ang kanyang kanunu-nunuaan ay tiyak na matatawagan niya sa paghingi ng saklolo!” biglang sabad ni Bruce.

“Sa pilahan, dapat ay huli ka. Kawawa kami kapag ikaw ang nauna. Pang-elepante ang size mo, hindi pangtao!”  sabi ni Bruce.

Sambulat ulit ang malakas na tawanan.

Hindi nakitawa si Calvin.

Tahimik.

“A penny for your thought, pare? Ano ba ang iniisip mo?” nakangising tanong ni Bruce.

“Hindi na ba tayo puwedeng mag-isip nang matino? Pulos sakit ng ulo na lang ang ibinibigay natin sa ating mga magulang. Hindi ba kayo nahihiya?” seryosong sabi ng binata.

Biglang napatingin sa kanya ang mga kasamahan.

Nagtataka …

Hindi makapaniwala.

Sa tropa kasi nila, si Bruce ang pinakaulol.

Pinakamatibay sa inuman, pinakamalakas suminghot ng shabu, pinakamatakaw sa babae at pinakamahilig sa away tapos ay nagsasalita nang ganito?

Ang layo sa ginagawa niya ng kanyang dayalog. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply