Geoff Eigenmann, di totoong sinagot na ni Carla Abellana

WALA naman palang katotohanan sinagot na ni Carla Abellana si Geoff Eigenmann nang sumunod ang binata ni Gina Alajar sa dalaga ni Rey PJ Avellana sa Boracay noong magbakasyon ang pamilya ng actress sa naturang resort.

Totoong nagpunta si Geoff sa Boracay para sorpresahin si Carla dahil alam ng dalaga ni Rey PJ na busy si Geoff sa taping ng bago nitong teleseryeng Glazilda bilang leading man ni Glaiza de Castro.

Gusto lang daw patunayan ni Geoff kay Carla na kahit anong busy niya ay magagawa nitong puntahan ang dalaga kesehodang nasa malayong lugar pa ito.

Matiyaga sa kanyang panliligaw ang binata ni Gina Alajar kay Carla Abellana pero hindi nito inaapura at pine-pressure ang actress para sagutin siya kaagad.

Ang importante raw ngayon ay super close sila at komportableng magkasama. Saka hindi naman daw nila itatago kung dumating ang right time na sila na nga.

***

Magiging memorable kina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang nalalapit nilang kasal dahil pumayag na ang kanilang mga kaibigang singer na kakanta ng mga special songs na nilikha mismo ni Ogie para sa pinakakamamahal na si Regine.

Si Lea Salonga ang kakanta ng “Kailangan Ko`y Ikaw, si Gary Valenciano naman ang aawit ng “Kailangan Kita” at si Martin Nievera ang magbibigay ng kanyang special rendition at version ng awiting “Pangarap”

Malaki ang bahagi ng tatlong awitin sa pagmamahalan nina Ogie at Regine kaya isinama nila itong background music sa seremony ng kanilang kasal.

Kakaiba at exciting ang magaganap na wedding nina Ogie at Regine. Bukod kasi sa red wedding gown na isusuot ni Regine, isang Christian wedding ceremony daw ang gusto ng bride and groom-to-be. Malalaking personalidad din ang nasa guest list and sponsors.

Samantalang habang pinaghahandaan pa nina Ogie at Regine ang kanilang kasal ay di nakakaligtaan ni Ogie Da Pogi ang pagte-taping ng “Bubble Gang” every Friday at “Hole In The Wall” with Michael V, Monday to Friday sa GMA 7.

***

Sinabi ni Edu Manzano matapos lumipat sa GMA 7, na hindi niya kailangan kumbinsihin sina Pinky Webb at anak na si Luis Mazano sumunod na rin sa kanya sa Siyete.

“Pinky is okey now with her job bilang bahagi ng news team ng ABS CBN. Si Luis, magaganda ang projects na ibinibigay sa kanya, Kani-kanya kaming desisyon, Hindi naman dapat na isama ang personal matters sa aming trabaho. We know what`s best for us. Nagkakaintindihan kami at walang conflict, walang pressure.”

Sinabi rin ni Edu na hindi totoo ang balitang nagpakasal sila ni Pinky Webb nang magpunta sila sa USA.

“Hindi ko ililihim sa press kung magpapakasal kami ni Pinky.Wala naman dapat itago. Nasa tamang edad na kami. We`re both mature!”

May mga pangarap pa raw silang gustong abutin ni Pinky. Siya (Edu) na gustong balikan ang pagho-host ng isang public affairs show, tulad ng Not So Late Night With Edu Manzano.

Mauuna muna niyang project sa Siyete ay “Asar Talo Lahat Panalo” game show bago ang public affairs show na ngayon pa lang ay pinag-uusapan na para walang maging problema.

Hindi siya nagsisisi sa ginawa niyang pagsabak sa politics at pagtakbong Vice President noong 2010 election. Kahit hindi raw siya suwerteng manalo ay magagandang experience naman at mga aral ang kanyang natutunan. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply