Gerald Santos may malaking pasabog

ANG nakakabilib kay Gerald Santos, pagdating sa charity shows ay wala silang angal ng kanyang manager na si Rommel Romilo kung may budget silang matatanggap or merely an honorarium. Bukal sa kanilang puso ang pagtulong sa mga kapus-palad nating mga kababayan kaya naman pumayag silang mapasama sa isang charity concert, ang The Gift na gaganapin sa Crossroad 77 ngayong September 24, 2010.

At 20, lalong gumuwapo si Gerald and more improved singer lalo na nang awitin nito ang ‘Beautiful In My Eyes’ sa presscon ng nasabing show.  Magaling siyang sumagot, may sense ‘ika nga kaya naman, from one question ay ginanahan kaming magtanong nang magtanong hanggang umabot sa isyung pagdedemanda sa kasong sexual harassment.

“Sa pagkakaalam po namin, tuloy-tuloy pa rin po ‘yung pag-pursue ng GMA-7 sa case,” paliwanag nito na nangangahulugang ongoing pa rin ang kaso at ng maganda nito, wala silang ginagastos sa nasabing pagdedemanda.

Nilinaw ni Gerald kung paano siya napasok sa TV5 na naganap noong ‘nasibak’ na ang SOP Rules at dalawang buwan siyang nabakante.  Tinanggap nila ang offer ng TV5 na kumanta sa isang event na ginanap sa Hong Kong at nataong in passing, sa kanilang pakikipag-usap sa big boss ng Singko ay nabanggit ni Gerald na nag-iisip silang magpa-release sa kanyang home studio dahil napapabayaan na siya nito.  Kaya naman, nagmagandang loob ang huli na welcome siya sa kanilang network.

May nabanggit ang mang-aawit na dapat umanong abangan in two or three months ang kanyang malaking pasabog at ito ay may kinalaman sa kanyang karir bilang mang-aawit. Katunayan, magkakaroon siya ng kanyang album launching sa buwang ito at para sa kanya, ito na ang panimula ng kanyang pasulong paitaas at umaasang wala nang magiging hadlang dahil nakuha na nila ang kanilang release paper mula sa kanyang home studio.

Abangan natin ang pasabog, malapit na!

Speaking of concert, makakasama ni Gerald sa “The Gift” ang WCOPA champions sa pagngunguna ng Cercada Sisters. Aria Clemente at Ralph Salazar.  Kasama rin dito sina Young JV ng ASAP XV, KNC Show Hosts at ang pinakasikat na ventrilouquist na si Wanlu.  Ito ay handog ng Big Mike Productions na hindi lamang gumagawa ng events para makapagbigay ng aliw kung tumtuloyng sila sa mga foundations at orphanage. Ang nasabing concert ay iniaalay sa mga disabled children at para sa ibang detalye, maaring makipag-ugnay sa mga sumusunod na numero:  239-0070, 09224202737 at 0916774594.

JOEY AT WILLIE, MAGSASAMA SA ISANG TV SHOW?

Totoo kaya ang tsika ng aming nakausap na magsasama sina Joey de Leon at Willie Revillame sa isang show sa TV5 at ang ganda ng petsang napili, October 10, 2010 as in, 10-10-10.

Hindi kaya hudyat ng pagsasama ng dating ‘nag-aaway’ na dalawang TV host ang magagandang pinagsasabi ng malapit sa puso ni Willie, ang nanay-nanayan ng showbiz na si Cristy Fermin sa programang Juicy. Aniya, kahit may pagka-sutil itong Joey ay nasabi nitong mga pagkakataon lang itong wala ito sa tamang timpla dahil hanga siya sa pagka-professional nito.

Tulad na lamang ng naging pahayag ng komedyante na wala siyang karapatang hadlangan si Willie kung balak man nitong lilipat sa GMA-7.  Trabaho lang at sino ba naman siyang na aayaw makasama si Willie sa kanyang network na pinaglilingkuran. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply