Gilas ng Smart binura ng Bolts

KINURYENTE ng Meralco Bolts ang Smart-Gilas Pilipinas sa isang tune-up game sa Meralco gym sa Pasig City.

Ang tune-up game ay bahagi ng paghahanda ng bagong pasok na Meralco sa professional league na makababangga ang crowd-drawer Barangay Ginebra sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup sa Oktubre 3 sa Big Dome.

Maagang nagpakawala ang Bolts ng 10-1 atake sa 3rd canto tungo sa pagkontrol sa laro at tuluyang dumistansiya sa RP team sat res ni Macmac Cardona sa iskor na 65-57 may 2 minuto ang nalalabi sa laro. Nangibabaw ang Bolts kontra Smart-Gilas sa iskor na 71-67.

Ang matangkad na si Marlou Aquino na pumuntos ng 4 points ay napatalsik sa playing court resulta ng isang flagrant foul kay Gilas skipper Chris Tiu. Bukod ito sa sikuhan sa pagitan nina Aquino at Marcus Douthit sa second quarter ng laro.

Sa kanilang panalo nagpahayag si coach Ryan Gregorio ng kasiyahan sa ipinakita ng mga player subalit sinabi niyang kinakailangan pa umanong mahasa sila para sa inaasahan niyang mahigpit na bakbakan sa mga laro sa PBA. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply