Gina Pareño pinagtya-teatro lagi

Pinalakpakan sina Pareño, Mario, Liesl, Nicco at Jeremy pagkatapos sa kanilang pagtatanghal.

Nakipalakpak ang tagapangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na si Roland Tolentino, ang opisyal ng National Commission for Culture and the Arts at Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit na si Elmar Ingles, si Juana “Mae Paner” Change at Bembol.

Pagkatapos ay nagsalita si Bembol Roco na “ibang-iba ang interpretasyon ko sa role ni Mario. Kasi, iba ang nuances sa English ng original play. Magugulat kayo, iba ang acting ko. I should say,” humigit-kumulang na pagdi-dare ni Rafael sa kanyang pagsabak sa English version ng kanyang interpretasyon katambal si Celeste Legaspi ngayong weekend na ito.

Hindi nawawaglit kay Bembol ang kompetisyon at pagpapaiba ng kanyang atake sa kanyang papel na papel din ni O’Hara.

***

Hinandugan ni ng executive ng Star Cinema na si Tess Fuentes ng  bouquet of flowers si Gina bilang pagkilala at paghanga sa walang kamatayan at versatile na pagganap ng beterang aktres sa kauna-unahang pagtugpa niya sa teatro.

Kaya dapat na may dula siyang ginagampanan nang regular bukod sa kanyang TV shows at pelikula.

Parang beterana na rin sa tanghalan si Pareño dahil sa kanyang husay sa live na pag-arte nang walang sumisigaw ng cut!

Bagamat halatang kung minsan ay nag-a-adlib sina Gina, okey lang dahil sa hinihingi ng dula. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply