Giyera sa bandila at sina Rongavilla at Pornillos

MAY kagiyera ang mahal kong Pinas.

Ito ang lumabas na larawan ng bansa sa salansan ng mahigit 200 bandila ng mga bansa na nakawagayway sa United Nations sa New York City.

Kasi naman, sa halip na yung asul ang nasa itaas, yung pula.

Sabi ng mga naglagay ng mga bandila, honest mistake lang ang nangyari. Siguro.

Pero may pahiwatig yan, mga Bro. Hindi kilala na bansa ang Pilipinas sa New York, lalong hindi sa United Nations.

Hindi naman tayo kasi makapangyarihan at maimpluwensiya.

Kilala lang ng mga tagaroon ang Pinas kung nangangailangan sila ng mga puwersa sa digmaan.

Nangyari na ito noong Vietnam war at nitong nakaraang American-Iraq war.

Pero tapos na iyon at siguro tanggapin na lang ang panghihingi nila ng pasensiya sa kanilang “honest mistake.”

oOo

Pero ang totoo, talaga namang may deklarasyon ang gobyerno na giyera: ang laban sa korapsyon at pandarambong.

Umaaray na nga ang nakaraang administrasyon kahit na hindi pa talaga tumatakbo ang Truth Commission na binuo mismo ng Pangulong Noynoy.

Ewan ko ba kung bakit parang natrapik ang komisyon na ito.

Meron ding giyera laban mismo sa Office of the Ombudsman na sinasabing protektor ng sangkatutak na putakte nitong nakaraang mga panahon.

Gaya ng Truth Commission, naiipit din sa trapik ng legalidad sa Korte Suprema ang giyera laban sa Ombudsman.

Medyo nakakakaba na ngang isipin baka walang mangyari sa giyera natin laban sa mga kawatan sa pamahalaan.

oOo

Oo nga pala, habang tinitipa natin ito, sinasabing pauwi na si Pangulong Noynoy. Pagdating niya, may pagkakataon na tayong magsumbong sa kanya sa mga katarantaduhan naman ng mga sumasakay sa bangka ng matuwid na pamahalaan.

Ngunit pagsakay nila ay pasalungat naman yata ang pagsagwan nila.

O, Manila Police District ni Gen. Rongavilla, sino raw ba talaga ang nagbigay-basbas kay Pornillos na mag-operate ng video karera sa Maynila?

Itong si Pornillos daw, mga Bro, ang bagman/kolektor ng taga-MPD sa mga iligal na pasugal diyan.

Pasalungat yata sa daang matuwid ang ginagawa nina Pornillos.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply