Glaiza de Castro umuusbong ang lovelife

BAGAY ang bagong teleseryeng Grazilda kay Glaiza De Castro dahil istorya ito ng dating nang-aapi na ngayon ay inaapi naman. Yes, ang Grazilda ay halaw sa Cinderella story kung saan si Grazilda ay isa sa evil stepsisters ni Cinderella na isinumpa ng Fairy Godmother na tumira sa Lupa kaya siya naman ang inaapi ngayon ng mga taga-Lupa. An interesting twist of faith ika nga.

And for that matter, malaking hamon din ito para kay Glaiza na nakilala bilang kontrabida sa mga teleserye ng GMA at ngayon ay magbibida na sa sarili niyang soap opera.

For a while ay ang akala namin ay magdi-diretso na siya sa pagiging isang sexy star tulad ni Katrina Halili kasi naging sexy at mapangahas na ang kanyang mga sinusuot noon bilang isang kontrabida. Bagay nga siyang maging cover girl ng FHM.

“FHM? Wala po akong balak kasi medyo conservative ang family ko pagdating sa bagay na ‘yan,”paliwanag ni Glaiza.

Si Dominic Roco ang kasama niya sa Grazilda pero sa kambal nitong si Felix Roco siya nali-link ngayon. Tatahi-tahimik lang siya pero may umuusbong na pala siyang lovelife.

“Hindi naman po. Nasa getting to know each other stage pa kami ni Felix. Wala pa kaming commitment sa isa’t isa.

“Isang grupo lang po kami lagi lumalabas. Kasama din namin sina Dominic at Maxene Magalona at iba pa. Oo naman po pinapayagan na akong tumanggap ng suitors ng parents ko dahil 22 na ako. Walang isyu ‘yun.

“Si Felix, makulit ýan, samantalang si Dominic ay mas reserved. Pareho naman silang mabait. Nagkataon lang na mas nakapalagayang loob ko si Felix,”tugon ni Glaiza.

Natawa naman kami nang tanungin namin kung may kissing scene ba sila ng leading man niyang ni Geoff Eigenmann sa Grazilda? “Magpapaalam muna ako kay Carla Abellana,” diretso niyang sagot.

***

Ang bagong artista ng GMA na si Gwen Zamora ang gumanap bilang Cinderella sa Grazilda. Sa totoo lang, marami ang nagsasabing mas maganda pa siya sa bidang si Glaiza. Hindi na kami nagtaka dahil siya pala ay dugong Franch-Italian na nakuha niya sa father niya. Natatawa nga raw siya at marami ang nagkakamaling tumawag sa kanya ng Gwen Garci.

Kung magkakaroon siya ng pagkakataon na magbida, gusto niyang si Aljur Abrenica ang maging leading man niya dahil crush niya ito.

Mukhang pang-supporting role na lang yata ang beauty ni Yasmien Kurdi ngayon na gumanap bilang evil sister ni Grazilda sa Lupa. Nakakalungkot isipin na na-demote na ang beauty niya sa pagiging isang kontrabida pagkatapos niyang magbida sa napakaraming teleserye noon. Ang ka-loveteams niyang sina Ranier Castillo at JC De Vera ay parehong wala na sa GMA at nasa TV5 na ngayon.

***

Introducing Zach Mariano, a Cebuano cutie na lumuwas dito sa Manila para makipagsapalaran sa masayang mundo ng showbiz. Zach is 20 and stands 5’10 and a former Mr. Cebu. Nag-VTR na siya dito sa Manila at swerteng nakuha kaagad siya para sa bagong TV commercial ng KFC. Folded N Hung is also interested in getting him as a print. He is being featured sa bagong movie nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na My Amnesia Girl under Star Cinema. Idol niya si Coco Martin at gusto niyang tularan ito sa galing sa pag-arte.

Crush naman niya si Cristine Reyes dahil sexy ito. He is being groomed by Fanny Serrano and wants to thank Dr. Benito Ignacio of Ignacio Dental Clinic, Meycauyan Bulacan. Bukod sa pag-arte at pagho-host, magaling ding kumanta si Zach. For bookings please contact 09177934136.  Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply