Gloria at Mike tetestigo kontra Romulo Neri

IPATATAWAG ng state prosecutors ang dating First Couple na sina dating pangulong  Gloria Arroyo at Jose Mi-guel Arroyo bilang kauna-unahang testigo laban kay da-ting Social System Security Administrator Romulo Neri sa  kaso nitong graft sa Sandiganbayan fifth division.

Ang kaso ni Neri ay may kaugnayan sa sinasabing maanomalyang National Broadband Network deal na pinasok ng gobyerno sa Chinese firm na ZTE Corp.

Ayon kay assistant special prosecutor III John Turalba, mahalagang ipatawag ang dating pangulo para bigyang linaw kung may kapangyarihan si Neri na pumasok sa negosasyon ng kontrata.

Binigyang diin ng government lawyer na hindi maaring tumanggi ang mag-asawang Arroyo na humarap sa korte at magbigay ng testimonya laban kay Neri, dati ring National Economic Development Authority director-general.

Nakatakdang ipatawag si Rep. GMA sa witness stand sa Oktubre 13.

Matatandaang nitong  buwan ng Hulyo lamang ay inihayag  sa korte ni Neri ang  not guilty plea.

Nagpalabas rin ang Sandiganbayan ng hold departure  order laban kay Neri na nakapag-piyansa naman ng  P30,000 para sa pansamantala nitong kalayaan sa kaso nitong graft ha-bang ang whistleblower  na si Rodolfo “Jun” Lozada  ang isa  sa principal witnesses.

Naniniwala rin ang korte na makakapagbigay-linaw  si  kaso naman si  Mr. Arroyo bilang corroborate sa mga  testimonya ng  iba pang witnesses.

Humarap din kahapon sa Sandiganbayan si dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos na isa rin sa sangkot sa kontrobersiyal na kaso.  Beth Aragon/Evelyn Garcia/Verlin Ruiz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply