Gloria Diaz, nagdi-demand ng apology sa mga Cebuano

MATIGAS ang pasya ni Gloria Diaz.

Hindi siya aapak sa kahit saan mang lugar sa Lalawigan ng Cebu pag hindi humingi sa kanya ng paumanhin ang mga Cebuano na nag-misinterpret ng kanyang mga pahayag sa telebisyon kaugnay sa kanyang pahayag sa pagsagot ni 2010 Miss Universe 4th runner-up Maria Venus Raj sa question and answer portion ng pandaigdig na paligsahan.

“I demand an apology from Cebuanos who misinterpreted my statements on TV,” pahayag ni Gloria sa isang eksklusibong panayam sa beauty queen. Nagsimula ang lahat nang interbyuhin siya ng peryodistang pampelikula na si Mario V. Dumaual para sa “Star Patrol” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN.

Ayon kay Diaz, tatlong beses isina-himpapawid ng primetime news program ng Channel 2 ang panayam sa kanya. “Kung hindi mo nasubaybayan ang tatlong araw na sunud-sunod na interview sa akin, hindi mo maiintindihan ang ibig kong sabihin,” pahayag ni Gloria na nagwaging Miss Universe noong 1969.

Idiniin ng aktres na siya ay na-out of context sa inilabas na balita. “They put together my sound bites that resulted in different meanings,” humi-git-kumulang na pahayag ng beauty queen. Gumawa ng resolusyon ang pamahalaan ng Cebu na persona non grata si Gloria at hindi ito puwedeng makaapak sa lupain ng Cebu.

— oOo —

“Wala akong sinasabi na bobo ang mga Cebuano. Hindi ‘yon ang implikasyon ng mga sinabi ko sa pinagdugtung-dugtong na sinabi ko sa harap ng ka-mera. Bakit ko naman sasabihin ‘yon? I love the Philippines. I love our people. My boyfriend is Visayan so why would I say that?” pahayag ni Gloria na ang ibang mga pangungusap ay isinalin na ng kolumnis-tang ito sa Filipino upang higit na maintindihan.

Sinabi ni Ms. Diaz na wala siyang intensyon na manakit ng damdamin ng iba.

“Ang sabi ko lang sa interbyu sa akin tungkol sa pagsagot ng mga contestants sa isang beauty contest ay kailangang magsalita sila o sumagot sa mga tanong sa pamamagitan ng isang wika na kompor-table nilang mabibigkas.

“Kung Ilocano ang kayang salitain ng isang contestant, speak in Ilocano. Kung Bicolano, speak in Bicolano. Kung Filipino, speak in Filipino. Kung siya ay isang Pampango na gustong magsalita ng Ingles, sige. Kung siya ay isang Ilocano na gustong mag-Bicolano, sige. Basta kung ano lang ang wika na gusto niyang gamitin sa pagsagot,” walang kagatul-gatol na pahayag ni Gloria na ang iba ay isinalin pa rin namin sa Filipino.

— oOo —

Ayon kay Diaz, mahusay naman ang Ingles ni Venus at okey naman ang sagot ng dalaga kaya huwag nang pintasan pa.

“I mean, we’ve already won a place so why make a fuss out of it,” sabi pa ng aktres. Sinabi niyang siya ay nadadamay lang sa walang kapararakang bagay. “I am already irrelevant here. Sino ba naman ako para pag-aksayahan ng panahon,” katuwiran at paglilimi ni Ms. Diaz sa kanyang sarili.

Idinagdag niyang walang magawa ang mga     lider natin na matino kaysa magbabad sa isyu ng kanyang mga sinabi na wala naman anya siyang masamang ginawa. “Di ba, ang persona non grata ay ikinakabit lang sa isang kriminal? My God! I am not a criminal. I haven’t done something bad or against the Cebuanos. Gusto ko lang na mag-apologize sila sa akin dahil wala akong masamang sinasabi laban sa kanila. Na-misinterpret lang nila ang napanood nila sa TV,” pahayag ni Gloria.

— oOo —

“At bakit pag-aaksayahan ng panahon ang ganito?” tanong ni Diaz.

“Mas marami pang bagay na kailangang pag-tuunan ng pansin like the dengue epidemic, ang Hong Kong case dahil sa hostage-taking crisis, ang economy natin. ‘Yang mga ‘yan ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga pulitiko pero bakit ako ang pinansin at ginamit nila.

“My God! ang pagsasalita at pagsagot naman ni Venus didn’t require her to answer in perfect English. Hindi naman siya kumukuha ng oral examination na kailangang maganda ang kanyang English. Hindi naman siya kailangang mag-English na parang nasa Parliament siya.

“Beauty contest ‘yon at matensyon sa Q&A portion kaya huwag na natin siyang pahirapan pa. Enough of this. Mataray man ako pero hindi ako magsasalita nang laban sa kapwa ko,” wika ni Gloria.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply