Gloria inisnab ang plunder hearing

HINDI nilutangan kahapon ni Pampanga 2nd District Representative Gloria  Arroyo ang unang araw ng pagdinig sa Department of Justice  ng kasong plunder na inihain laban sa kanya.

Tanging  ang abogado nitong si Atty. Pamela Jalandoni, ang sumipot kaya hindi napanumpaan ng dating pangulo ang salaysay.

Ayon kay DOJ Sr. State Prosecutor Peter Ong,  kailanngan ang personal appearance ng mga respondent para panumpaan sa harap ng panel of prosecutors ang kanilang affidavit.

Sakaling magsagawa ng clarificatory hearing sa kaso, sinabi Ong na hindi maari na ang kanilang mga abogado ang sasagot sa panel.

Bukod kay Arroyo, respondents din  sa kaso ang ilang  dating cabinet secretaries nito  na sina Executive Secretary at ngayo’y Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, Margarito Teves, John Sevilla, chairman ng DOF Privatization Council at Megaworld Corp. President Andrew Tan.

Ang kaso ay isinampa ng isang Danila Lihaylihay, chief investigator ng Vanguard Annti-Graft Task Force Inc. accredited ng Office of the Ombudsman na umano’y tumutulong sa laban sa graft and corruption.

Ang kaso ay nag-ugat  sa  umano’y illegal na pagbebenta ng old IloIlo airport sa Megaworld,  isang private corporation.

Sa reklamo ni Lihaylihay sa RA 7080, anumang pagbebenta ng  national government asset and property ay maituturing na plunder. Giit ng complainant na mayroong constitution ban sa pagbebenta ng public property sa pribadong sektor.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa Oktubre 6, alas -2 ng hapon at inatasan din ang kampo ni Arroyo na magsumite ng kanyang counter-affidavit at iba pang respondents. ANN P

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply