GMA-7 idedemanda ng kampo ni Gerald Santos

KUMUSTA na kaya si Gerald Santos pagkatapos tanggalin ang kanyang segment sa Walang Tulugan ng GMA-7?  Masyado silang nasaktan sa pangyayaring walang kaabog-abog ang pagtanggal sa segment ng mang-aawit.  Wala silang kaalam-alam na habang hinihintay ang kanyang tawag ay tinanggal sila ng walang pasintabi sa nasabing programa ni Kuya Germs.

Base sa text message ni Rommel Ramilo, manager ni Gerald ay tinanggal ang kanyang alaga dahil sa pag-guest sa Paparazzi ng TV5.  Pakiramdam nila ay mistulang kaaway sila ngayon network dahil wala man lang nakapagsabi mula sa staff ng programa na tinanggal na pala ang kanyang alaga.  Ang masakit ay hindi sila naabisuhan ng maaga bagkus, pinagsabihan pa sila na mayroon silang taping noon.

Kumusta naman ang pagpadala nila ng sulat kay Atty. Gozon, tinugunan kaya ang kanilang kahilingang ibalik sa nasabing programa ang kanyang alaga?  Sa puntong ito ay nilinaw ni Ramilo na hanggang ngayon ay freelancer pa ang kanyang alaga kaya naisip nilang wala silang nilabag na kontrata sa GMA-7 nang mag-guest ang kanyang alaga sa nasabing programa ng TV5.

Ang ikinababahala ni Ramilo ay tiyak na maaapektuhan ang pagiging mang-aawit ng kanyang alaga dahil hindi na siya mapapanood madalas sa palabas ni Kuya Germs kung saan ang segment ng mang-aawit ang siyang inaabangan umano ng mga manonood sa ibang bansa.

Nabanggit din nito na hanggang ngayon ay wala pang resolusyon sa kaso laban doon sa gustong mag-sexual harrass sa kanyang alaga.  Pakiramdam nito ay may dalawang big boss na nabanggit nila sa kanilang complaint kay Atty. Gozon na posibleng hinahadlangan ang nasabing resolusyon.

Bilang karagdagan, nasabi ni Ramilo na bago ma-release ang kanyang alaga ay nagbayad sila ng P300,000 sa Artist Center bilang kabayaran sa uncollected commissions ng nasabing departamento mula 2006 hanggang sa kasalukuyan.  Talagang naghanap sila ng pera para mabayaran ang pagkakautang kundi mawawalan ng bisa ang ibinigay sa kanilang release paper.

Sa pinakahuling kaganapan ay balak idemanda ng kampo ni Gerald ang GMA-7 laban sa lahat ng kanilang kapabayaan at insensitivity nila sa mang-aawit sa lumipas na apat na taon.

Base sa kanyang text message, “Magiging David and Goliath na battle po ito.  GMA-7 can’t just waste people’s lives kapag gusto nila. Somebody has to stand up against their unjust  practices.  Magiging wake-up call sana ang case na ito Gerald against the power tripping of some network executives just to satisfy their whims.”

Tiniyak naman ni Ramilo na hindi sila mag-iingay kung malaman nina Atty. Gozon at Mr. Duavit ang pangyayari at bibigyan nila ng mga proyekto ang mang-aawit.

“Wala pong remarkable na nangyari since January na nailabas ang complaint against sa gustong manghalay sa kanyang alaga.  The least na nagawa sana nila is to give Gerald more projects pero kahit po sa Party Pilipinas ay guest lang ang status ni Gerald and worse is, binitiwan pa kami sa ere by untimely releasing us. Itinigil kasi namin ang pakikipag-negotiate with TV5 kaya we were left hanging.  Tapos ‘yung walang tulugan na naging refuge namin nung walang TV projects si Gerald, inalis pa nila sa amin.  Napakasakit po ang ginawa nila sa amin,” pahayag ng manager ni Gerald.  Abangan natin ang susunod na kabanata!

PERSONAL:  Gusto naming magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng pagiging matagumpay ng aming post-golden birthday party noong August 27 na ginanap sa Dekada Bar, located at 120 T. Morato corner Kamuning Road, QC. Sina  Malou Rustia ng Dekada Bar, Gener Gozum, Dennis Arce at Mystica sa kanyang free show kasama ang kanyang keyboardist na si JR “Angelo” Coronel ng ARJ Band.

Ganun din sa nakaraang show, ‘A Celebration’ topbills Faith Cuneta na ginanap sa Music Box noong August 18.  Maraming salamat kina Dra. Amy Tinaza ng AMT Clear Skin Facial Center, 3rd Floor Victory Mall, Caloocan City, Madam Maura de Leon ng Glorious Blend Coffee, Paul B. Zhuang, isang Chinese pop singer and some well-meaning friends, special mention si Harley Buenavista who supported not only the show, but also my post birthday party.  Alex Datu

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply