GMA umiskerda sa impeachment

MAG-IINHIBIT si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa impeachment proceedings laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sinabi ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni GMA na hindi makikilahok sa anumang proseso ng impeachment ang dating pangulo upang hindi ito mabigyan ng ibang kulay lalo pa’t ang mga kasong ibinibintang kay Gutierrez ay naganap sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ngunit hindi masagot ni Horn kung ang iba pang mga Arroyo sa kamara ay boboto o makikilahok sa proceedings dahil pagkatapos makalusot sa House Committee on Justice ang impeachment ay dadalhin na ito sa plenaryo upang pagbotohan na ng lahat ng miembro ng Kamara.

Samantala, pinagsusumite na ni Bayanmuna Rep. Neri Colmenares si Gutierrez ng listahan ng mga kongresista na may nakabinbing kaso sa Ombudsman.

Sinabi ni Colmenares na nais niyang makita kung sino sino ang mga miyembro ng kamara na pinupuntirya ni Gutierrez sa gitna ng pagproseso Committee on Justice sa dalawang impeachment complaints laban dito at kung may miembro ng komite na may kaso sa OMbudsman dahil maaaring pinaghahandaan na ito ni Gutierrez. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply